90 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa QC

TINATAYANG 90 pamilya ang nawalan ng bahay sa sunog sa Quezon City, kahapon.

Bago mag-alas-6 ng gabi ng sumiklab ang sunog sa residential area sa Commonwealth Ave., Brgy. Commonwealth.

Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay din sa sunog ang Datu Tahil Talipapa.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na naapula alas-7:09 ng gabi.

Walang napaulat na nasawi at nasugatan sa sunog.

Read more...