Kilalang aktres nalubog sa utang dahil sa mga bisyo

MINSAN, isang panahon ay naipit pala sa isang matinding indulto tungkol sa pananalapi ang isang kilalang female personality. Baon na baon siya sa pagkakautang.

Kung saan napunta ang milyun-milyong pagkakautang ng aktres ay walang nakakaalam. Wala naman siyang negosyong nalugi, wala rin siyang naipundar na mga propyedad, kaya nakapagtataka kung bakit siya napasok sa ganu’n katinding problema.

Kuwento ng isang source, “’Yun ang time na pati siguro ang kaluluwa niya, e, ipagpapalit niya para lang sa pera. Talagang ipit na ipit siya, napakaraming naniningil sa kanya, hindi niya alam ang gagawin kung saan siya makakakuha ng pangtakip sa mga inutang niya!

“Lahat halos ng mga kaibigan niya, e, nautangan na niya, nakakakuha siya, pero hindi pa rin enough ‘yun na pambayad sa sobrang laking pagkakautang niya,” unang chika ng a-ming impormante.

Nu’n niya naisip na humingi ng tulong sa isang pulitikong hindi man direktang karelasyon niya ay puwede niyang lapitan. Ginawa niya ‘yun.

Patuloy ng aming source, “Ang una niyang inuutang, e, fifty million. Napakalaki. Sino naman ang taong basta-basta magbibigay sa kanya ng ganu’n kalaking amount?

“Ang sabi ng politician sa kanya, e, hanggang two million lang ang kaya niyang ibigay dahil hindi niya naman sariling pera ang hawak niya, pera ‘yun ng bayan.

“Dahil sa matindi niyang pangangailangan, e, kinuha niya na rin ang two million pesos, walang pa-ngako kung kailan siya magbabayad, basta kinuha lang niya ang datung!

“Marami pa siyang i-nutangang iba, na-saturate niya ang bilang ng lahat ng mga kaibigan at kakilala niya, ganu’n katindi ang pangangailangan niya nu’n!

“Takang-taka ang mga inuutangan niya, saan napunta ang milyun-milyong pagkakautang ng girl, samantalang wala naman siyang naitayo kahit na tindahan lang ng kwek-kwek!

“Alam na this! May pinagkakaabalahang bisyo ang female personality, ‘yun ang naging sumbungan niya ng mga problema niya, dahil nawasak ang lovelife niya.

“Hindi pa rin siya bayad sa mga pagkakautang niya, meron siyang promise na magbabalik na uli siya sa harap ng mga camera, pero hanggang ngayon naman, kahit sa camera lang ng telepono, e, hindi pa rin siya humaharap!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, alam na this, kailangan pa ba ninyong i-memorize kung sino ang babaeng itey?

Read more...