Horoscope, Nov. 3, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Magtiwala sa iyong sarili, sapagkat ang taong buo ang loob, ang yaman at ligaya ay lubos. Sa lovelife, paligayahin ng husto ang kasuyo, pag hindi mo nagawa, sige ka baka maghanap pa siya ng iba? Mapalad ang 2, 17, 28, 34, 39 at 48. Green at pink ang buenas. Swerte sa initial na R. at J.
Aries – (Marso 21-April 19) — Kung may nagawang pagkakamali ‘wag ng ulitin! Habang nagpapakabuti lalong darami ang salapi. Sa lovelife, wag lokohin ang kasuyo sapagkat habang nagtagal pa ang inyong relasyon may magagandang kapalarang darating. Mapalad ang 5, 18, 32, 39, 41 at 46. Yellow at red ang buenas. Swerte sa initial na K. at V.
Taurus – (April 20-May 20) — Hindi dapat magtiwala sa mga taong madadaldal. Sa pinanasyal, isipin ng 10 beses bago maglabas ng salapi baka madaya ka na naman. Sa lovelife, pagbawalan ang kasuyo na makipag-transaksyon sa isang pandak na mataba. Mapalad ang 3, 15, 23, 34, 40 at 48. Orange at blue ang buenas. Swerte sa initial na S. at L.
Gemini – (May 21-June 21) — Kakasyahan ka ng langit ngayon nalalapit na kapaskuhan kaya ituloy mo ang anumang balak mo sa iyong isipan upang madagdagan ang iyong income, tiyak na magatatagumpay ang iniisip mong iyan. Sa lovelife, magiging maligaya ang relasyon sa iyong kasuyo basta’t lagi mo lang siyang pinupuri. Yon lang naman ang gusto nya, ang ma-appreciate mo ang kanyang mga ginagawa at ang kanyang halaga. Mapalad ang 9, 12, 23, 36, 40 at 48. Silver at pink ang buenas. Swerte sainitial na B. at C.
Cancer – (June 22- July 22) — Malayo man ang mahal sa buhay, hindi dapat paalipin sa kalungkutan. Sa pagttiiis, malaking pag-unlad ang kapalit. Sa lovelife, iwasang gumawa ng ka-imoralan upang magtuluy-tuloy ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 16, 25, 34, 42 at 49. Red at beige ang buenas. Swerte sa initial na P. at S.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa araw na ito may mahuhulog, mahuhulog ang mga biyaya at grasya ng langit sa iyong harapan. Wala kang dapat gawin kundi ito ay pulutin. Sa pinansyal at kadatungan, marami at makakapal na salapi ang iyong maibubulsa. Sa lovelife, sopresa ang ligaya at sarap na ipatitikim sa iyo ng kasuyo. Mapalad ang 7, 16, 23, 27, 34 at 49. Yellow at lilac ang buenas. Swerte sa initial na H. at M.
Virgo – (August 23 – September 22) — Magsisimula ng magdaratingin ang iyong suwerte. Sunggaban ang mga pagkakataong inaalok ng isang Scorpio. Sa lovelife, sa isang Libra makakadama ng mas masarap na romansa. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 38 at 44. Blue at silver ang buenas. Swerte sa initial na D. at J.
Libra – (September 23-October 23) — Elementong hangin ang taglay ng Libra, kaya hindi mo ba napapansin minsan ay mahangin o mayabang ka? Sa pagpapakumbaba mas maraming biyayang matatanggap at mas magiging maligaya ang pakikipag-relasyon sa kasuyong Aquarius. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 38 at 47. Violet at red ang buenas. Swerte sa initial na M. at K.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa susunod na mga araw, maraming kakaibang suwerte ang darating. Malaking halaga ng salapi ang mahahawakan na hindi mo dapat na agad-agad ubusin. Sa lovelife lalong sasarap ang pakikipag-relasyon sa isang Cancer. Mapalad ang 2, 7, 20, 29, 34 at 40. Green at yellow ang buenas. Swerte sa initial na C. at P.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa pinansyal, tatabo ng malaking halaga sa mga produktong may kaugnayan sa kapaskuhan, modernong teknolohiya at sa pagkain. Sa lovelife, sa isang unipormadong nilalang, matatagpuan ang true love. Mapalad ang 5, 18, 27, 30, 38 at 45. Blue at red ang buenas. Swerte sa initial na K. at S.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag apurahin ang tagumpay, kusang darating iyan! Ngayon palang paghandaan na ang pagpasok ng taong 2020, sobrang dami ng mga biyayang matatanggap. Sa lovelife, sa taon ding 2020, iinit ng husto ang nanlalamig na pagmamahalan. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 33 at 45. Silver at maroon ang buenas. Swerte sa initial na Q. at D.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag mapagod sa paghihintay. Ano nga ba ang halaga ng buhay, kung walang tunay at wagas na pag-ibig – sa takdang oras darating din ‘yan! Sa aspetong pang-pinansyal, unti-unti na namang madadagdagan ang income. Mapalad 7, 16, 23, 31, 38 at 44. Red at green ang buenas. Swerte sa initial na T. at Y.
Pisces – (February 19 – March 20) — Hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Sa sandaling nalusutan ang kasalukuyang problema tuluy-tuloy na ring giginhawa ang buhay! Laging umasa kay Lord at matutong magpasalamat. Sa lovelife, unawain ang kasuyong maangas kaysa mag-away na naman kayo. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 28 at 35. White at beige ang buenas. Swerte sa initial na D. at F.

Read more...