DELETED na ang post ni Gretchen Barretto ng isang short video sa kanyang Instagram.
In the said video na galing sa Instagram ni @bashing.shing, maririnig ang isang pag-uusap. In the conversation, one lady said na ang sarap batukan ni Inday.
We don’t know who that lady was as hindi naka-pan sa kanya ang camera but rumors have it na isa itong Barretto. Kuha kasi sa hospital ang video and apparently, ang mga sisters and pamangkin ni La Greta ang nag-uusap.
Ang basa ng marami, the woman who mentioned Inday was referring to Inday Barretto, Gretchen’s mom.
Takang-taka ang marami kung bakit biglang binura ni Gretchen ang short video na iyon sa kanyang IG account.
“Bakit deleted na? Kasi walang saysay?” said one guy.
“Sa tingin mo kung totoo nga na si Inday ang sinasabihan bakit idi delete ni Gretchen?” asked another guy.
Obviously affected by the video, one guy wailed, “Grabe nanay niya tapos ganyan kung pag usapan?
Walang modo naman tapos ‘sarap sapakin’ daw. Mga walang galang sa matanda.”
In exasperation, perhaps, one guy said, “Sus kaumay na La Greta.”