‘Bukol’ ni Jeric pinapak ng mga beki: Tinalbugan sina Ruru at Derrick

TINALBUGAN ni Jeric Gonzales sina Derrick Monsterio at Ruru Madrid pagdating sa paghuhubad.

At hindi lang ang porma ng kanyang katawan ang ibinandera ni Jeric kundi pati ang kanyang kargada ay matapang niyang ibinalandra sa mga litrato kung saan naka-underwear lang siya.

Ito’y para nga sa isang local clothing brand na matagal na niyang naikuwento sa amin.

Naglabasan ang mga underwear photos ng bida sa Kapuso series na Magkaagaw bilang bahagi ng promotions ng nasabing brand.
Sinipat-sipat siyempre ng ilang netizens ang pagkalalaki ng young actor kung may padding ba ito o wala, huh!
Dahil dito, marami ang nag-comment na mas matapang daw si Jeric kesa kina Derrick at Ruru dahil hanggang ngayon, pawang katawan lang ang ibinabalandra nila sa kanilang social media accounts, huh!

Kaya naman si Jeric ngayon ang talk of the town, lalo na mga beking nagpapantasya sa kanyang kabukulan.

q q q

Lalabas as “themselves” ang dalawang batang bading sa episode tonight ng Magpakailanman. Sila ay sina MJ at Lala na naging “viral prinsesitas” mula sa grupong Barbitch na sumasali sa Little Miss Gay contests.

Nakikipagkumpitensiya sila sa bali-buto at buwis buhay showdown. Nagpapaandar din sila sa sinasalihang volleyball tournament sa barangay.
Titled “Baklas: The Two Viral Prinsesitas”, makakasama rin sa episode na ito sina Jay Manalo at Epi Quizon.

Read more...