HINDI na ipinagtaka ng mga dating kaklase ng isang kilalang female personality ang mga kababalaghang pinaggagagawa niya ngayon. Kilalang-kilala na kasi siyang bully ng mga taong nakakakilala sa kanya.
Batambata pa lang sila ay lantad na ang ugali niya, sobrang bully siya sa school, siya ang palaging nagiging ugat ng mga away sa kanilang eskuwelahan.
Kuwento ng isang source, “Kung nasi-shock pa ang iba sa mga ginagawa niya ngayon, e, hindi na bago ‘yun sa mga ka-batch niya. Super-bully na siya kahit nu’ng mga bagets pa lang sila!
“Sayang nga naman, maganda pa naman siya, matalino naman, pero kung bakit parang hindi siya masayang nakakakita ng mga taong maayos ang takbo ng buhay.
“Siya ang palaging puno at dulo ng mga kuwentong nega sa school nila, mapaghatid siya ng kung anu-anong inimbentong istorya, kaya siya palagi ang napupuruhan,” simulang chika ng aming impormante.
May isang dating kaklase ang female personality na ito na nakaposisyon na ngayon sa gobyerno, mataas ang katungkulan nito, dating binu-bully ng female personality ang matagumpay na babae.
Patuloy ng aming source, “Naku, kapag reunion ng tropa, e, hindi nila iniimbitahan ang babaeng ‘yun, kasi nga, wala naman siyang kaibigan sa mga ka-batch niya!
“Hindi siya marunong mag-alaga ng friendship, ugali na niyang magpaaway ng mga kaklase niya nu’n, kaya talagang wala siyang maituturing na kaibigan.
“’Yung isang government official na super-successful, kaklase niya ‘yun sa high school, isa ‘yun sa mga naging victims ng mga pambu-bully niya!
“Kaya itong mga pagkakalat niya ngayon, e, hindi na bago para sa mga dati niyang schoolmate, kilala na siyang bully talaga kahit nu’n pa!
“Kita n’yo naman, dala-dala pa rin niya hanggang ngayon ang ugali niyang ‘yun, wala siyang pinapatawad, kahit mismong mga kapamilya niya, e, kinakaya-kaya niyang i-bully!
“Hindi kasi siya happy sa buhay niya, hindi niya mabibili ang happiness kahit mayaman pa siya, kaya ayaw rin niyang nakakakita ng mga taong maligaya sa buhay!” madiing pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na this, wala nang iba pa!