Mommy ni Derek botong-boto kay Andrea

ANDREA TORRES, MEDY AT DEREK RAMSAY

Mukhang botong-boto na nga ang nanay ni Derek Ramsay kay Andrea Torres, huh!

Isinama ng Kapuso hunk ang kanyang girlfriend sa pagbabakasyon nila ng inang si Mrs. Medy Paggao-Ramsay sa Baguio at doon nga nagka-bonding ang dalawang mahalagang babae sa buhay ng binata.

Nag-post si Andrea sa kanyang Instagram account ng litrato nila ng nanay ni Derek na may caption na, “Grateful for you (heart emoji).”

Pinusuan at ni-like ng maraming netizens ang litrato ni Andrea kasama ang kanyang future mother-in-law. Kung maraming nangnenega dati kina Derek at Andrea halos lahat ng nabasa naming comments ay positibo na!

Read more...