Horoscope, Nov. 1, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: A-Uno na at nagkataong holiday pa! Magiging maganda ang pasok ng buwan, dahil dating at dating na ang maraming suwerte at magagadang kapalaran na magtutuloy-tuloy pa hanggang sa buwan Disyembre. Sa lovelife habang nagaamoy kapaskuhan na ang kapaligiran lalong iinit ang nakakikilig na relasyon. Mapalad ang 4, 8, 11, 17, 24, at 40. Yellow at red buenas. Swerte sa initial n J. at I.
Aries – (Marso 21-April 19)—Wag mag hinala ng hindi maganda sa mga nakakausap, darating ang panahong isa sa kanila ang mag-aabot sa iyo ng malaking halaga. Sa lovelife, tiwala ang sangkap upang lalo pang lumigaya ang suyuan. Mapalad ang 6, 15, 27, 38, 42 at 48. Pink at blue ang buenas. Swerte sa initial na P. at K.

Taurus – (April 20-May 20)—Ang maliit na kita sa kasalukuyan ay madodoble sa kinabukasan, ang mahalaga, manatili kang naka-smile! Sa lovelife, paligayahin ang minamahal sa pamamagitan ng matamis na halik. Mapalad ang 3, 6, 12, 14, 27, at 39. Silver at purple ang buenas. Swerte sa initial na O. at L.

Gemini – (May 21-June 21)—Habang nakikinig ng mga tugtuging pampasko, magagandang kapalaran at suwerte ang kasabay darating sa iyong karanasan. Sa lovelife, panahon na ng upang mag-isa ang inyong puso, isip at damdamin, pati na rin katawan, upang mas madali kayong umunlad at yumaman. Oo, iwasan ninyong magkontrahan! Mapalad ang 5, 14, 32, 33, 39, at 48. Silver at lilac ang buenas. Swerte sa initial na S. at G.

Cancer – (June 22- July 22)— Kailangang magkaroon ng sariling negosyo, hindi nakapagpapayaman ang pamamasukan. Sa lovelife, tuloy ang panlalamig ng kasuyo, kailangang makagawa ka ng paraan upang siya ay muling mag-init. Mapalad ang 2, 16, 28, 34, 45, at 49. White at green ang buenas. Swerte sa initial na L. at P.

Leo – (July 23 – August 22)—Kakaibang pakiramdam ang sisilid sa iyong pagkatao, ito ay indikasyon paparating na ang maraming suwerte at magagandang kapalaran. Sa pinansyal at kadatungan, malalaking halaga ng salapi na hindi naman inaasahan ang biglang mahahawakan. Sa lovelife, yong iniiwasan mo ang hindi sinasadyang siya pang magbibigay sa iyo ng kakaibang sarap at ligaya. Mapalad ang 4, 10, 28, 31, 40, at 45. Blue at orange ang buenas. Swerte sa initial na B. at Q.

Virgo – (August 23 – September 22)—Wag gawing kumplikado ang mga bagay-bagay lalo na sa pag-ibig at aspetong pang-pinansiyal. Kapag nagawa mo yan, pa-simple-simple lang pero rock, mas maraming suwerte at magandang kapalaran ang darating. Mapalad ang 5, 19, 23, 36, 40 at 44. Lilac at gray ang buenas. Swerte sa initial na I. at N.

Libra – (September 23-October 23)—Pahalagahan ang dalawang bagay, salapi at relasyon. Sa pag-ibig, wag baliwalain ang mga sweet message ng kasuyo, mag-reply ka naman kahit minsan. Mapalad ang 1, 17, 28, 34, 40 at 45. Blue at gold ang buenas. Swerte sa initial na M. at C.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Hindi dapat pang hinaan ng loob. Sa pamamagitan ng tapang mas lalong kang yayaman. Sa pag-ibig, yong ayaw ng kasuyo mo, magiging gusto nya na rin alang-alang sa iyo. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43 at 49. Green at orange ang buenas. Swerte sa initial na F. at B.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Dating gawi, nagiisip ka na namang ma-shopping at mag ubos ng pera. Siguraduhin mo munang may ipon ka kahit papaano bago mamili ng mamili. Alalahanin mong mahirap kitain ang pera. Sa lovelife, isang nakakikilig na romansa ang magse-selyo ng maghapon. Mapalad ang 5, 14, 23, 29, 35, at 49. Pink at white ang buenas. Swerte sa initial na T. at S.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Wag magdalawang isip na tumulong sa mga nangangailangan, upang lalo kang suwertehin. Sa lovelife, sa isang charitable work makakasumpong ng true love. Mapalad ang 4, 17, 26, 32, 44 at 48. Green at yellow ang buenas. Swerte sa initial na C. at A.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag mong intindihin ang mga taong nagbibigay sa iyo ng kalungkutan. Panahon na upang mag-move-on. Lalo mong mahalin at pahalagahan ang iyong salapi, dahil sa bandang huli, walang ibang magmamahal at kakalinga sa iyo kundi ang sarili mo rin. Pink at beige ang buenas. Swete sa initial na R. at D.

Pisces – (February 19 – March 20)— Iwasang magdesisyon ng nakabatay sa damdamin. Sa pinansiyal, utak at isip ang magpapayaman sa iyo. Sa lovelife, hindi dapat malungkot, dahil ang lahat ay lilipas din. Mapalad ang 7, 19, 28, 34, 41, at 46. Red at lilac ang buenas. Swerte sa initial na A. at S.

Read more...