KATHRYN: Si DANIEL sobrang protective sa akin, pero hindi nakakasakal!

ANG haba-haba talaga ng hair ni Kathryn Bernardo, ‘no! At diyan niya inilalampaso ang kanyang best friend na si Julia Montes. E, kasi nga, merong isang Daniel Padilla sa buhay ni Kathryn, samantalang si Julia, hanggang ngayon ay wala pa ring maipagmamalaking Prince Charming.

Kamakailan ay ibinandera ni Daniel na talagang seryoso ang hangarin niya kay Kathryn, nang tanungin nga siya sa isang interview kung ano ang magiging reaksiyon niya sakaling may manligaw na ibang lalaki sa kanyang ka-loveteam on and off cam, dapat daw higitan siya ng kung sinumang didiskarte sa dalaga.

Sa press launch ng bagong endorsement ni Kathryn, ang Juicy Cologne, sinabi niyang ganu’n lang daw ka-protective sa kanya si DJ, “Kasi si DJ ma-effort talaga. Ayun, kung sinabi nga niya na may mga nag-a-admire na iba eh, di go.

Pero hindi naman kasi wala rin namang ibang nanliligaw sa akin. Wala talaga. Wala lang sigurong nagkakaroon ng courage.”
Inamin ni Kathryn na malapit na talaga si Daniel sa pamilya niya, lalo na sa kanyang mommy,

“Kasi na-gain na rin ni DJ yung respect and na-gain na niya yung trust ni mama. Siguro na-prove na rin niya. Pero of course maaga pa.”

Totoo ba na pinagseselosan niya ang mga fans ni Daniel, “Yung sinasabi nila na selosa ako sa mga fans, hindi talaga kasi alam ko na yung fans ang rason kung bakit nandito kami, dahil sa kanila and yung ginagawang issue na nagagalit daw ako, wala yun.

Okay lang ako. Hindi ako nagseselos kasi artista ka, hindi puwedeng kayo lang lagi parati di ba? Of course ma-la-love team rin siya sa iba so wala na akong magagawa dun, okay lang po.”

Hndi rin daw totoong nasasakal siya sa sobrang possessive ni Daniel, “No naman, kasi hindi naman siya yung seloso na super nakakasakal na. Very protective and possessive lang siya pero hindi in a way na super nakakasakal.

Kasi makikita mo na ganun din siya sa family niya. Sa pagdamit ayaw niya yung masyadong naka-tube or masyadong maikling shorts. Very kuya lang siya, ganu’n. Ha-hahaha!. Kasi ganun din siya sa mga kapatid niya.

Gusto lang niya yung igagalang ka talaga pag titingnan ka.”  Samantala, napatunayan uli ni Kathryn na siya na ang isa sa mga hottest teen stars ngayon dahil bukod sa mga bonggang TV projects, sandamakmak na rin ang endorsements niya, kabilang na nga diyan ang Juicy Cologne na swak na swak daw sa mga super busy na estudyante na pinagsasabay ang work at pag-aaral, dahil nga sa dami ng variants nito.

Pero ang pinaka-favorite raw ng dalaga ay ang Icylicious dahil pa-sweet lang daw ang amoy nito. “Sobrang saya talaga. Sobrang daming artista na puwedeng piliin di ba and ako yung pinagkatiwalaan nila to endorse products and to promote it so I’m very thankful talaga sa lahat ng blessings na dumadating ngayon,” chika pa ng ka-MU ni Daniel Padilla.

( Photo credit to Google )

Read more...