BAGAMA’T puspusan ang paghahanda
upang maging kaaya-aya at makulay ang hosting ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11, hindi pa rin nakalilimutan ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘’Butch’’ Ramirez ang iba pang mga bagay na may malaking papel sa kaayusan ng estado ng mga pambansang atleta.
Alam na ng lahat na ginagawang araw ang gabi ni chairman Ramirez kasama sina PSC commissioners Celia Kiram, Ramon Fernandez, Charles Raymond Maxey at Arnold Agustin upang hindi mapahiya ang bansa sa ating mga kapitbahay sa Southeast Asia.
Todo trabaho ang PSC.
Ilang buwan bago sumiklab ang umaatikabong aksyon sa 2019 SEA Games ay hindi na mabilang ang ginagawang proyekto ng PSC upang tiyakin na sasabak sa paligsahan ang mga nasyonal na kumpleto rekado, batak sa pagsasanay, super-kondisyon ang pisikal dala ng makabagong teknolohiya sa nutrisyon, 100 percent ang pokus sapagkat alam sa puso’t damdamin na inaaruga sila, at nanalaytay sa kanilang mga ugat ang dugong mandirigma na titiyak na hindi susuko sa gitna ng matinding oposisyon.
Ang ika-30 edisyon ng SEA Games ay gagawin sa iba’t-ibang lugar sa bansa ngunit nakatuon ang pinakamagagarbong isports sa New Clark City, Subic at sa Rizal Memorial Sports Complex. Sa kauna-unahang pagkakataon ay may 56 isports na lalaruin dito kabilang ang e-sports at obstacle course.
Aminado si Ramirez, na siya ring chef de mission ng bansa noong mag-overall champion ang bansa noong 2005 dito sa Pilipinas na mahirap kopyahin ang Milagro ng 2005. Ngunit inaasahan niyang lalaban ng husto ang mga nasyonal dahil sa pag-aaruga ng husto ng PSC.
Habang abala sa pagtitiyak na kumpleto ang mga pasilidad na paglalaruan kabilang ang makasaysayang Rizal Memorial Coliseum at nasa iskedyul ang kahandaan ng mga atleta na nagsanay pa sa ibang bansa, ay binigyang-pansin rin ni Ramirez ang mga pribileyong dapat nakukuha ng mga pambansang atleta at coaches na nakasaad sa Republic Act 10699.
“We have already coordinated with concerned agencies like the Bureau of Internal Revenue (BIR),” sabi ni Ramirez. The PSC is awaiting instruction from other agencies on the next steps to be undertaken towards full implementation.
Nakasaad sa batas na dapat bigyan ng 20 porsyento diskwento ang mga atleta at national coaches sa mga commercial establishments. Kasama din dito ang pagbibigay ng mga scholarships sa mga matatagunpay na atleta, at iba’t iba pang benepisyo.
Ngunit may mga tanong ng dapat tugunan upang maipatupad ang batas. Iba kasi ang sitwasyon ng mga atleta kumpara sa mga senior citizen at persons with disabilities.
Una ay hindi naman permanenteng kasapi ng pambansang koponan ang mga atleta at coaches. Alam ng lahat na mabilis ang palitan ng talento sa palakasan at may kanya-kanyang alituntunin ang bawat isport kung paano mapapabilang ang isang atleta sa pambansang koponan.
Paliwanag ni Ramirez: “It is not all that simple. There are certain challenges on the implementation.”
Ganunpaman, hindi dapat pagdudahan ang nais ng PSC na ibigay ang lahat para sa mga atleta sapagkat hindi na mabilang ang pagkakataon na palaging nasa isip ni Ramirez kasama ang kanyang mga commissioner ang kabutihan ng mga atleta.
Isinusulong ng PSC ang pag-unlad ng mga atleta at bakit naman hindi? Hindi ba’t ang isports ay salamin din ng tunay na kalagayan ng bansa.
Rizal Memorial Coliseum
Sa Nobyembre 11 ay matatapos na ang pagkukumpuni ng Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Maynila.
Ito ang balita ni Ramirez kamakailan.
“Ipinakita po namin sa inyo ang mga improvement at status ng mga ipinapagawa nating pasilidad dahil hindi na po natin puwede pa ipatigil o istorbohin ang mga contractors kasi round the clock na ang kanilang mga gagawin sa susunod na mga araw,” sabi ni Ramirez.
Ayon naman kay architect Gerald Lico na siyang namamahala sa ‘rehabilitasyon’ ng makasaysayang Rizal Memorial Coliseum, nasa 85% nang kumpleto ang proyekto. Aniya, umabot sa 285 na manggagawa ang nagtatrabaho ng tatlong shifts para siguradong matatapos ang Rizal Memorial Coliseum bago magbukas ang 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30.
“We are committed to have the venue ready for the SEA Games kasi nakataya dito ang national pride natin. Kung ano pa man ang maiiiwan na kailangan ayusin, then we will come back to finish and complete it after the SEA Games,” sabi ni Lico. “Pinanatili natin ang dati nitong hitsura na base sa disenyo ng national artist na si Juan Arellano. We also retrofitted the facility to maintain its historical and cultural heritage but we assimilated the ambiance of a hotel for convenience of the athletes and also the public.”
PSC para sa atleta
READ NEXT
Palasyo nagbanta ng gov’t takeover sa Maynilad at Maynila Water sa harap ng nakaambang water crisis sa MM
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...