Sinagot ni Kris Aquino ang isang netizen na nag-comment na sana’y huwag matulad ang magkakapatid na Aquino sa Barretto sisters.
Nakiusap ang TV host-actress-celebrity influencer na sana’y ipagdasal na lang ang pamilya Barretto sa pinagdaanan nilang matinding pagsubok ngayon sa halip na batuhin sila ng masasakit na salita.
Nag-post kasi si Kris sa Instagram ng kanyang birthday message para sa ateng si Viel Aquino-Dee.
“Happy Birthday, Viel. Ang swerte ko to have sisters like you, pinky, and Ate,” bahagi ng mensahe ni Tetay para kay Viel. Ang tinutukoy naman niyang dalawa pang nakatatandang kapatid ay sina Pinky Aquino-Abellada at Ballsy Aquino-Cruz.
Pagpapatuloy pa ni Kris, “Thanks for really being someone the 2 boys and i can count on. We love you.
I’m not allowed to mention the achievements of her kids, BUT she’s one truly awesome mom!”
Isang follower naman ni Kris sa Instagram na may user name na @bie.lao ang nag-comment ng, “I hope your sisters won’t fight like the barretto wild crazy sisters!! Lol!!”
Agad naman itong sinagot ni Kris kung saan ipinaalala niya na nagluluksa pa rin ang pamilya Barretto sa pagpanaw ni Miguel Barretto kaya sana’y huwag nang dagdagan ang sakit na kanilang nararamdaman.
“You know that they are grieving, right? And there’s no need for us to add to their pain?”
Parehong malapit kay Kris sina Claudine Barretto at pamangkin nitong si Julia na anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla. Nakasama niya ang dalaga sa pelikulang “I Love You Hater” last year.