Horoscope, Oct. 30, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Tuloy ang dating ng magandang kapalaran sa aspetong pam-pinansyal. Wag magpadaig sa mga taong may negatibong pag-iisip. Kung paiiralin ang tapang, malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa lovelife, okey pa ring makisama sa isang Cancer. Mapalad ang 6, 18, 24, 30, 33, at 49. Blue at red ang buenas. Swerte sa initial na J at D.

Aries – (Marso 21-April 19)—Nakahanda na ba ang mga kandila at bulaklak? Ilang araw na lang Undas na! Upang hindi ma-traffic sa pagpunta sa mga namayapang mahal sa buhay, ngayon pa lang dalawin na sila. Gawin mo ‘yan dahil ang mga patay ay buhay pa rin naman nasa ibang dimensyon lang sila kaya naman ipapanalangin ka nilang bigyan ng magagandang kapalaran at laging suwertehin sa iyong buhay. Mapalad ang 4, 10, 19, 36, 41 at 48. Maroon at beige ang buenas. Swerte sa initial na T. at A.
Taurus – (April 20-May 20)—Mahirap mawalay sa pamilya, pero kailangang tiisin upang kumita ng malaking halaga. Kung paanong lagi mong naalala ang kasuyo, ganoon din naman siya sa iyo. Sa araw ng bukas, may pangako ng masarap na romansa! Mapalad ang 3, 15, 30, 33, 38 at 45. Gray at gold ang buenas. Swerte sa initial na M. at C.

Gemini – (May 21-June 21)—Maraming sopresa ang darating! Isang Aquarius ang biglang mag-aabot ng malaking halaga. Sa love life, ituring na ito na ang huling araw, ipalasap sa kasuyo ang pinakamasarap na romansa. Mapalad ang 5, 18, 23, 26, 38, at 49. Green at pink ang buenas. Swerte sa initial na E. at J.

Cancer – (June 22- July 22)—Kung hindi ka makapili sa maraming option, wag mag alaala, ang kapalaran ang pipili para sa iyo ng pinaka-best. Ang mahalaga lagi kang magdasal at manalangin sa Maykapal. Sa pag-ibig, kusang darating ang paborableng sitwasyon upang mairaos ang init ng katawan. Mapalad ang 6, 18, 29, 30, 39, at 42. Blue at maroon ang buenas. Swerte sa initial na H. at A.

Leo – (July 23 – August 22)—Walang pag-asenso kung laging aasa sa ibang tao. Panahon na upang tumayo sa sariling mga paa. Sa lovelife, sa pagkakataong ito, hindi sila ang dapat masunod kundi ang tinitibok ng iyong puso. Mapalad ang 2, 11, 16, 27, 34, at 46. Red at pink ang buenas. Swerte sa initial na D. at G.

Virgo – (August 23 – September 22)—May darating na malaking halaga ng salapi! Matutong magtipid at mag-ipon upang hindi na muling maubusan ng pera. Sa lovelife, simpleng date na lang ang dapat para hindi magastos. Mapalad ang 4, 14, 21, 25, 34, at 43. Yellow at violet ang buenas. Swerte sa initial na S. at B.

Libra – (September 23-October 23)— Hindi pupuwedeng wala kang ginagawa sapagkat ang mga Libra ay madaling nanghihina kapag tatamad-tamad at hihila-hilata. Sa lovelife, mamayang gabi ay may pangako ng isang masarap na romansa. Mapalad ang 5, 11, 23, 28, 33, at 47. White at lilac ang buenas. Swerte sa initial na P. at O.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Simpleng buhay ang susi upang magtagumpay. Wag gawing kumplikado ang pakikipagrelasyon. Sa pinansyal, sundin ang advice ng isang kaibigang Sagittarius. Mapalad ang 9, 14, 26, 39, 42, at 46. Purple at magenta ang buenas. Suwerte sa initial na P. at X.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Upang laging pagpalaain ang bawat araw, magsimba muna o kaya’y laging dumaan sa bahay dalanginan. Kung ikaw ay taong madasalin, kahit anong pagsubok ang dumating hindi ka mabibigo, sa halip lalo pang lalago ang kabuhayan. Mapalad ang 5, 16, 25, 34, 38, at 45. Yellow at green ang buenas. Swerte sa initial na M. at S.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Unahing tapusin ang mga bagay na pagkakaperahan. Ipaunawa sa kasuyo na kailangan nyo nang yumaman at ito ay dapat ng simulan ngayon! Mapalad ang 3, 15, 27, 33, 42, at 46. Purple at green ang buenas. Swerte sa initial na J. at P.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Makuntento sa kasalukuyang kalagayan. Alalahaning higit na masaya ang buhay ng simpleng pamilya kesa sa ubod ng yaman. Sa lovelife, wag nang mag-isip na palitan ang kasuyo, okey na siya kaysa sa wala. Mapalad ang 6, 9, 19, 31, 40 at 49. Maroon at pink ang buenas. Swerte sa initial na B. at K.

Pisces – (February 19 – March 20)—Dagdag na sipag ang dapat upang madagdagan din ang iyong kinikita. Sa lovelife, pagpasensyahan ang kasuyo. Sa bandang huli, mauunawaan ka rin niya. Mapalad ang 7, 16, 28, 34, 34, at 49. Purple at red ang buenas. Swerte sa initial n Y. at S.

Read more...