Bagong building code kailangan vs lindol

 

IPINAMAMADALI ng isang solon ang pagpasa ng panukala upang maitaas ang building standard ng bansa at mas maging handa sa malakas na lindol.

Nais ni House Deputy Speaker Mikee Romero na mapalitan na ang National Building Code na ginawa noon pang 1977 kaya inihain nito ang House bill 4008 upang mai-update ang batas.

“It is abundantly clear that poor compliance with the National Building Code is part of the systemic reason for the deaths, injuries, and widespread damage in Mindanao because of today’s magnitude 6.6 earthquake and the magnitude 6.3 earthquake last October 16,” ani Romero.

Sa ilalim ng panukala ay gagawa ng bagong standard sa pagtatayo ng gusali at maglalagay ng mabigat na parusa laban sa mga hindi susunod.

“The country’s engineers and regulatory agencies have been doing patchwork solutions to the current building and structural standards over the past four decades. Now is the time to end all those piecemeal measures and face the problem with complete resolve,” dagdag pa ng solon.

Maglalagay din ng probisyon upang i-update ang standard kada limang taon.

Read more...