Kwak Dong Yeon magpapakilig sa ‘No Second Chance’ ngayong Undas

Ngayong Nob. 2 naman magsisimula ang No Second Chance ng mga promising Korean stars na sina Kwak Dong Yeon at Park Se Wan.

Kwento ito ng mga guest sa Paradise Inn na muling babangon matapos ang mga naranasang kabiguan.
Gaganap si Kwak Dong Yeon bilang si Na Hae Joon, ang tagapagmana ng isang five-star hotel na katapat lamang ng Paradise Inn.

Isa namang bisita si Se Wan sa guest house bilang Geum Bak Ha, isang matalinong babae kung saan magiging kanlungan niya ang guest house sa kanyang mga pinagdaraanan.

Kasama rin sa No Second Chance sina Ye Ji Won, Oh Ji Ho, Park Ah In, at Song Won Seok.

Kabilang sa mga Korean series ni Dong Yeon ang My Husband Got a Family (2012), Adolescence Medley (2013), Modern Farmer (2014) at Love in the Moonlight (2016.

Napanood naman si Se Wan sa School 2017 at Just Dance.

Read more...