Serye nina Rita at Ken sa GMA waging-wagi sa rating

 

KEN CHAN AT RITA DANIELA

HUMATAW sa ratings game ang primetime series ng GMA na One Of The Baes na pinagbibidahan nina Rita Daniela at Ken Chan na mas kilala na ngayon sa mga karakter nila sa serye na sina Jowalyn Biglangdapa at Grant Altamirano.

Base sa Nielsen TV Audience Measurement’s overnight ratings data for Oct. 25, nakakuha ang One of the Baes ng people rating na 9.4 percent sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM).

Bukod kasi sa pakilig ng tambalang RitKen, inaabangan din ng viewers ang mga nakaka-good vibes at nakakalokang eksena ni Roderick Paulate as Paps Fernando bilang beking tatay ni Rita.

Mula nang mag-start ang nasabing GMA Public Affairs teleserye naging maingay na ito sa social media kaya naman laging trending ang bawat episode ng programa.

Read more...