Maine ibinuking ni Oyo: Siya ang pinakamakulit sa cast ng Daddy’s Girl!

MAINE MENDOZA

SI Maine Mendoza raw ang pinakamakulit sa cast ng Kapuso sitcom na Daddy’s Gurl ayon sa pahayag ni Oyo Sotto.

Sa report ng 24 Oras, nakausap ni Aubrey Carampel si Oyo sa simpeng anniversary celebration ng Daddy’s Gurl na isang taon na sa ere.

“Tahimik lang si Maine pero siya talaga ang pinakamakulit sa cast! Talagang walang dull moments sa kanya,” pambibisto ni Oyo na gumaganap na boss ni Meng sa sitcom.

Maraming sorpresa at twists sa mga characters ng Daddy’s Gurl bilang bahagi pa rin ng month-long celebration ng programa.

Ang tanong, may chance na kaya si Alden Richards na mag-guest sa sitcom bilang tugon sa hiling ng fans nila ni Maine?

 

Read more...