Sulat mula kay Joyce, ng Gutalac, Zamboanga del Norte
Problema:
1. Nakalulungkot dahil wala pa rin kaming anak ng mister ko sa kabila ng pagsasama namin na mahigit anim na taon na. Sumunod naman kami sa lahat ng paraan na iminungkahi sa amin ng doktor at hindi doktor pero wala pa ring nangyari.
2. Balak na naming mag-ampon dahil nawawalan na kami ng pag-asa. Pero, naisipan din namin na sumangguni muna sa inyo. May pag-asa pa kaya kaming magka-anak? Kung mag-aampon kami ng baby, ano po ba ang magandang birthday ng bata upang lumaki siyang mabait at magsilbing gabay namin sa aming pagtanda?
Umaasa,
Joyce, ng Gutalac, Zamboanga del Norte
Solusyon/Analysis:
As
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ay nagsasabing sa buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre dapat ninyong samantalahin ang pagtatalik, dahil sa panahong ito maaaring mabuntis ka.
Numerology:
Ang birth date mo namang 3 ay nagsasabing, ang unang magiging baby mo ay isang malusog na babaing sanggol. At dahil 3 ang birth date mo, favorable kayong magtalik ng iyong mister tuwing sasapit ang petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, higit lalo sa panahong nasa new moon, first quarter at full moon ang buwan sa langit. Sa ganyang diskarte, tulad ng nasabi na, magkakaroon kayo ng pag-asang magka-baby sa susunod na taon 2014.
Luscher Color Test:
Upang matiyak na magkakabuo kayo ng isang matalino at malusog na babaing sanggol, lagi kayong magpatong ng sariwang kulay pulang rosas sa ibabaw ng inyong lamesang kainan. Sa ganyang paraan, mapapaloob sa unconscious nyong isipan ang makabuo ng isang cute at magandang babaing baby.
Huling payo at paalala:
Joyce, ayon sa iyong kapalaran, tiyak ang magaganap sa taon ding ito ng 2013 sa kasalukuyan buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre samantalahin ninyo ang pagtatalik at sundin ang mga nasabi ng gabay sa itaas. Sa ganyang paraan, tulad ng nabanggit na, sa susunod na taon 2014, isisilang ang isang malusog at cute na babaing sanggol na maghahatid ng bagong tuwa at kukumpleto sa pagmamahalan nyong mag-asawa.
‘Wag mag-ampon (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...