'Wag mag-ampon (2) | Bandera

‘Wag mag-ampon (2)

Joseph Greenfield - July 29, 2013 - 07:00 AM

Sulat mula kay Joyce, ng Gutalac, Zamboanga del Norte
Problema:
1.      Nakalulungkot dahil wala pa rin kaming anak ng mister ko sa kabila ng pagsasama namin na mahigit anim na taon na.  Sumunod naman kami sa lahat ng paraan na iminungkahi sa amin ng doktor at hindi doktor pero wala pa ring nangyari.
2.    Balak na naming mag-ampon dahil nawawalan na kami ng pag-asa.  Pero, naisipan din namin na sumangguni muna sa inyo.  May  pag-asa pa kaya kaming magka-anak? Kung mag-aampon kami ng baby, ano po ba ang magandang birthday ng bata upang lumaki siyang mabait at magsilbing gabay namin sa aming pagtanda?
Umaasa,
Joyce, ng Gutalac, Zamboanga del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ay nagsasabing sa  buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre dapat ninyong samantalahin ang pagtatalik, dahil sa panahong ito maaaring mabuntis ka.
Numerology:
Ang birth date mo namang 3 ay nagsasabing, ang unang magiging baby mo ay isang malusog na babaing sanggol.  At dahil 3 ang birth date mo, favorable kayong magtalik ng iyong mister tuwing sasapit ang petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, higit lalo sa panahong nasa new moon, first quarter at full moon ang buwan sa langit. Sa ganyang diskarte, tulad ng nasabi na, magkakaroon kayo ng pag-asang magka-baby sa susunod na taon 2014.
Luscher Color Test:
Upang matiyak na magkakabuo kayo ng isang matalino at malusog na babaing sanggol, lagi kayong magpatong ng sariwang kulay pulang rosas sa ibabaw ng inyong lamesang kainan. Sa ganyang paraan, mapapaloob sa unconscious nyong isipan ang makabuo ng isang cute at magandang babaing baby.
Huling payo at paalala:
Joyce, ayon sa iyong kapalaran, tiyak ang magaganap sa taon ding ito ng 2013 sa kasalukuyan buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre samantalahin ninyo ang pagtatalik at sundin ang mga nasabi ng gabay sa itaas. Sa ganyang paraan, tulad ng nabanggit na, sa susunod na taon 2014, isisilang ang isang malusog at cute na babaing sanggol na maghahatid ng bagong tuwa at kukumpleto sa pagmamahalan nyong mag-asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending