HINDI lang mga negosyante at mga mayayaman ang may Persons with Disability ID, maging ang mga estudyante ng mga pribado at sikat unibersidad sa bansa ay mayroon din.
Ito ang isiniwalat ni ACT-CIS Rep. Eric Yap matapos i-expose kamakailan ang paggamit at pag-abuso ng PWD ID ng ilang indibidwal na wala namang kapansanan.
Sa ikalawang bahagi ng kanyang expose, ibinunyag ni Yap na maging ang ilang mga estudyante ng Ateneo at Dela Salle University ay may mga PWD ID na rin kahit malalakas ang katawan.
Naniniwala si Cong. Yap na may sindikato at fi-xer sa nagbebenta ng nasabing mga ID card.
Anang mambabatas, malaki ang tulong ng PWD card dahil walang ipapataw na VAT at may 20 percent discout pa sa bawat serbisyo at bibilhin.
“Yang discount na i-binibigay sa mga PWD ID cardholders ay hindi po libre ‘yan. Sinisingil po ng mga business establishment na nagbibigay ng discount ang gobyerno. Si gobyerno naman, imbes na ibalik sa tao ang buwis na ibi-nabayad niya sa pamama-gitan ng paggawa ng mga proyekto tulad ng kalsada, paaralan, health centers at iba pa ay napupunta sa pagbayad sa utang nito sa PWD discount” ani Yap.
Naghain na ng resolus-yon ang mambabatas para magsagawa ng imbestigas-yon ang Kongreso hinggil sa nasabing pang-aabuso.