5 bagay na dapat linisin madalas

HINDI maiiwasan na kahit anong linis ng isang tao ay mayroon pa ring hindi mabilang na mga mikrobyong naglipana sa loob ng tahanan, at walang kamalay-malay na may mga hindi nakikitang mikrobyo ang nagdudulot ng sakit.

Halimbawa na rito ang mga virus na nananatili ng buong araw o higit pa at nagkakalat ng impeksyon.
Ang mga germs na ito ay nagiging mas aktibo nang matagal sa mga matitigas na bagay tulad ng stainless steel at plastic.

Kaya maging ang mga kagamitan o mga bagay na ginagamit ay hindi safe pero may paraan naman para mapanatili malinis ang mga ito.

Narito ang anim na gamit o bagay na ginagamit araw-araw na dapat panatilihing malinis madalas.

1) kitchen sponge

Ang sponge o espongha na ginagamit para linisan ang mga plato o pinggan ay binabahayan ng 362 iba’t ibang uri ng bacteria kabilang na ang disease-causing bacteria tulad ng Acinetobacter, Moraxella at Chryseobacterium.

Paano ba mapapanatiling malinis ang sponge? Wag mo itong gamiting panlinis sa mga meat products dahil mas mainam ang paper towel para sa mga ito at agad mo rin itong itapon sa basurahan.

Maaari ring ibabad ang sponge sa kumbinasyon ng tubig at bleach sa loob ng isang minuto. Magpalit din ng ginagamit na sponge matapos ang isa o dalawang linggo para mabawasan ang mga bacteria na mamalagi sa iyong kusina.

2) cell phone

Karamihan ay dala-dala ang kanilang mga cell phone kahit saan (kabilang na ang banyo) kaya naman hindi nakapagtataka na maghatid ito ng mga germs tulad ng E. coli, MRSA at Streptococcus.

Paano mapapanatiling malinis ang iyong cell phone? Maliban sa sanitizing wipes, ang mas mabisang disinfectant ay ang kombinasyon ng kaunting isopropyl alcohol (70 percent ay puwede na) at distilled water na nasa isang spray bottle. Haluin ang nasabing mixture at i-spray sa isang microfiber cloth tsaka ipamunas sa iyong cell phone.

Puwede ka ring bumili ng premade phone wipes sa mga electronic stores.

3) door handles at knobs

Isa na marahil sa mga nakakalimutang linisin nang maigi ay ang mga door handle, knob at deadbolt.

Madalas kasing humahawak dito at nagiging oportunidad ito sa mga virus at bacteria na kumalat sa paligid.

Paano ba ito malilinis? Kumuha ng disinfectant wipe at punasang mabuti ang mga ito.

4. vinyl shower curtain

Ang mga vinyl shower curtain na kinakapitan ng mga latak ng mga sabon ay tirahan din ng mga disease-causing microbes tulad ng Sphingomonas at Methylobacterium.

Hugasan ang mga ito sa iyong washing machine sa mas mababang setting. Kapag hindi natanggal ang mga dumikit na mga sabon dito, mas mainam na bumili na ng bago.

5) toothbrush

Ayon sa isang pag-aaral, umaabot sa mahigit 10 milyong bacteria ang naninirahan sa iyong toothbrush. Lantad kasi ang toothbrush sa mga germs sa mga toilet.

Paano mo mapapanatiling malinis ang iyong toothbrush? Para mapabawasan ang pagdami ng bacteria sa iyong toothbrush, siguraduhing sarado ang takip ng iyong toilet kapag nag-flush ka. Banlawan din nang mabuti ang iyong toothbrush at hayaan itong matuyo.

Huwag ding kalimutan na palitan ang iyong toothbrush kada tatlo hanggang apat na buwan o kapag ang mga bristle nito ay wala na sa ayos.

Read more...