Moira napaiyak nang makita, mayakap si KC: Inspirasyon kita noon pa!


NAPAIYAK  pala si Moira dela Torre nang makita niya up close and personal ang matagal na niyang idol na si KC Concepion.

Nangyari ang pagkikita ng dalawa sa “Iconic” concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni KC ang mga litrato nila ni Moira kung saan nga makikita na nagpapahid ng luha si Moira habang kausap si KC.

Ayon kay KC, super touched siya nang malamang iniidolo siya ni Moira na nagsabing isa siya sa nagsilbing inspiration ng singer sa naging journey nito sa entertainment industry.

Dito, inamin din ng anak ng Megastar na super fan din siya ng mga hit songs ni Moira.

Ito ang inilagay na caption ni KC sa IG photo nila ng award-winning singer-composer, “Isang Moira ang yumakap sa ‘kin to tell me how I’ve inspired her growing up because naka-relate siya sa mga pinagdaanan ko nun, she would sing my songs and na-inspire ko siya nang hindi ko man alam…

“Para isang Moira ang magsabi ng ganun sa ‘yo, grabe I’m honored to be your friend Moira! It doesn’t have to be in your imagination anymore… I am here for you now IRL. I’m glad I was able to be with you through your tough times in the same way you’ve been able to comfort me in mine through music,” aniya pa.

Read more...