Marlo Mortel malas sa contest, ilang beses naligwak sa GMA

HASHTAG #malas! ‘Yan ang paniniwala ng Kapamilya TV host-actor na si Marlo Mortel dahil halos lahat ng contest na sinalihan niya ay “nganga” siya.

Ang huli ay ito ngang celebrity edition ng “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime kung saan ang nanalo ay si Ethel Booba na napakagaling din na singer.

Dapat daw ay mas maaga ang schedule ng laban niya sa TNT, pero bigla raw itong naurong kaya natapat siya sa batch nina Ethel, “Nakakanerbiyos, ha? Kahit nga si Ethel, magkasunod kami, ninenerbyos siya.

“Kasi parang, artista ka na kapag pumalpak ka pa, parang nakakahiya, di ba?”

Nakausap ng members ng ilang entertainment press si Marlo sa presscon ng bago niyang pelikula, ang “Santigwar” na pinagbibidahan ni Alexa Ilacad.

After ng TNT, bigla niyang naisip na wala talaga siyang swerte sa mga contests. Una siyang minalas sa Are You The Next Big Star? ng GMA 7. Sumunod sa Starstruck kung saan umabot lang siya sa Top 30 kung saan nakasabay pa niya ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Nag-join din siya sa The X Factor na naging daan naman para mapasama siya sa seryeng Be Careful With My Heart, “Mahilig talaga ako sa singing contest, kaya sali ako nang sali. Dapat nga, magkateleserye ako nu’n sa GMA dahil kay Kuya Germs. Pero nag-quit ako, kasi nga, nakita ko, may audition sa ABS ng X Factor.

“Kinabukasan na yung taping, support ako doon sa Daldalita (2011) kahit hindi naman ako kilala. Nag-quit ako. Sabi ko, mag-aaral ako, pero ang totoo, nakita ko na may audition ng X Factor, tapos eight months pa pala bago mag-start.

“So ibig sabihin, ipinagpalit ko lahat… umalis pa ako sa Walang Tulugan. Pagsali ko sa X Factor, natanggal naman ako agad sa boot camp. Yun kasi talaga ang pinasok ko sa showbiz, sa singing talaga,” aniya pa.

Speaking of “Santigwar”, isa itong kakaibang suspense-horror movie with a terrifying twist sa direksyon ni Joven Tan, kung saan makakasama rin sina Hashtag Paulo Angeles, Mich Liggayu, Pam Gonzales, Marco Gallo, with the special participation of Michelle Vito, Lui Manansala, MJ Lastimosa, Aubrey Miles and Dan Fernandez. Showing na ito sa Oct. 30 nationwide.

Read more...