SA nakaraang presscon ng pelikulang “The Annulment” inamin ng dalawang bida na sina Joem Bascon at Lovi Poe na pabor sila sa pakikipag-live-in bago sila magpakasal.
Sa kaso ni Joem, nabanggit niyang ka-live-in na niya ang kanyang YouTuber girlfriend na si Crisha Uy dahil kailangan nilang magsama sa iisang bahay. Bihira raw kasi silang magkita dahil pareho silang busy.
At kahit nga raw sa iisang bahay na sila umuuwi ay hindi pa rin sila madalas magkita.
Bukas din ang isipan ni Lovi sa mga ganitong bagay at pabor din siya sa live-in para mas makilala pa niya nang husto ang partner.
Going back to Joem, para sa kanya kung magpapakasal siya ay dapat sa tamang tao, “When you find the right person, in spite of age, in spite of time. Hindi mo naman masasabi ‘yun, mararamdaman mo lang naman talaga ‘yun. Tama naman ang lahat ng panahon para magpakasal.”
Inamin ni Joem na five years na silang live-in ng girlfriend niya at dahil YouTuber si Crisha ay umaming pressured ang aktor sa social media.
“Dapat lang talaga hindi ka ma-pressure, especially sa aming mga artista, sa aming mga celebrities.
“Kasi nagiging platform na ang social media when it comes to (proposal), yung mga nagpo-propose, yung mga marriage proposals. So, parang nagiging pressure siya for everyone.
“Parang ‘gusto ko ganito, gusto ko maging ganito yung pagpo-propose ko.’ I think dapat hindi nila iniisip na ganu’n. Dapat hindi nila ikino-compare yung sarili nila sa mga ganu’ng bagay. Dapat yung sarili mong time, sarili mong diskarte sa buhay, kung ano yung gusto mong gawin when you want to marry,” katwiran pa ng aktor.
May plano nang magpakasal sina Joem at Crisha kaya nag-iipon na ang binata. Kaya naman pabor sa kanya ang mga nangyayari ngayon sa kanyang career dahil ang dami-dami niyang projects ngayong 2019.
Sa tagal na nina Joem at Crisha ay sinisiguro ng aktor na hindi ito mauuwi sa annulment.
Ano ang natutunan niya pagkatapos nilang gawin ni Lovi ang “The Annulment”? “Actually parang same lang din kasi sila kasi kung ang divorce terminating your marriage, ang annulment is you void it na parang walang nangyari. So I guess it’s almost the same, parang yung terminologies lang.
“Yung takeaway ko siguro after the film, after nu’ng ginagawa ko siya, nagkaroon pa rin ng hope eh within me. I think kahit na may pinagdadaanan kayo as a married couple tapos nag-end up talaga kayo na wala ng maayos, kasi time apart or time away from each other would heal yung parang wounds na nagawa niyo sa isa’t isa.
“And I think yung takeaway namin is meron ka talagang natututunan pag hindi na kayo magkasama,” paliwanag ng aktor.
Tungkol naman sa kanyang leading lady na si Lovi, bukod sa mas gumanda at sumeksi pa ito ngayon, mas gumaling din daw ito bilang aktres, “Ngayon ang bagong discovery ko sa kanya, siyempre ang tagal ko na siyang kakilala, grabe siya mag-jog sa morning. Before mag-work nag-ja-jog pa rin siya.
“I think mababaw lang yung nalaman ko. Before kasi kapitbahay ko kasi siya so medyo may alam ako sa mga nangyayari (sabay tawa) and ngayon na-discover ko na fit and healthy na si Lovi pagbalik. Iba na siya,” aniya pa.
Anyway, ang iba pang cast sa “The Annulment” ay sina Laura Lehmann, Myrtle Sarrosa, JC Tiuseco, Dianne Medina, Erika Padilla, Nikka Valencia, Manuel Chua, Nico Antonio, Matt Daclan, Jon Leo, Naya Amore, Johnny Revilla at Ana Abad Santos.
Ito’y mula sa direksyon ni Mac Alejandre produced by Regal Films at showing na sa Nob. 13 nationwide.