Horoscope, Oct. 27, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Maraming suwerte at magagandang kapalarang mahuhulog mula sa langita sa araw na ito. Pulutin mo ng pulutin upang lalo pang lumago ang iyong kabuhayan at career. Sa lovelife, kahit masarap, wag pumatol sa mga tuksong bigla-bigla na lang dumarating. Ipapahamak ka lang niya. Markahan ang 3, 9, 12, 27, 33 at 42. Blue at gray ang buenas. Swerte ang initial na M. at S.
Aries – (Marso 21-April 19) — Panatiliin ang pagiging kampante upang hindi mapaaway. Sa pinansyal, sa pagiging mahinahon kikita ng mas malaking halaga. Sa lovelife, habang naglilinis ng pantson o kaya’y dumadalaw sa mga mahal sa buhay na namayapa na, isang Leo ang lihim na magkaka-crush sa iyo. Markahan ang 3, 9, 27, 34, 38 at 42. Blue at red ang bueans. Swerte ang initial na C. at V.
Taurus – (April 20-May 20) — Sa produktong pagkain ka uunlad. Sa lovelife, lalong kikiligin ang kasuyo kung sabay kayong kakain habang nagtitigan. Markahan ang 6, 15, 24, 39, 42 at 49. Violet at green ang buenas. Swerte ang initial na L. at S.
Gemini – (May 21-June 21) — Habang nagaganap ang panahong ito ng All Saints’ Day, kikita ka ng malaking halaga, sa negosyong may kaugnayan sa kandila, pintura, tsitsitrya at mga bulaklak. Sa lovelife, habang tumutulong sa kapwa ng bukal sa loob, kusang darating ang true love. Markahan ang 1, 10, 19, 25, 34 at 44. Red at black ang buenas. Swerte ang initial na T. at P.
Cancer – (June 22- July 22) — Unahin ang mga bagay na pagkakaperahan, upang hindi masayang ang magagandang mga oportunidad na dumarating ngayong katapusan ng Oktubre. Sa lovelife, mahalin pang lalo ang kasuyong Scorpio. Markahan ang 6, 17, 26, 35, 42 at 49. Green at white ang buenas. Swerte ang initial na R. at B.
Leo – (July 23 – August 22) — Wag ng isipin pa ang mga suliraning hindi pa dumarating, ang ngayon ang mahalaga kaya ngayon ka na dapat magtipid at mag-ipon ng pera para sa future. Sa lovelife, ituloy ang pakikipag-relasyon sa malambing na Libra. Markahan ang 9, 17, 23, 41, 44 at 48. Silver at pink ang buenas. Swerte ang initial na K. at P.
Virgo – (August 23 – September 22) — Mahusay na desisyon ang dapat, malapit na malapit na ang tagumpay. Manatiling kalmante upang malasap ang masarap na lasa ng pagwawagi. Sa lovelife, habang lumalapit ang Araw ng mga Kaluluwa, lalo namang iinit ang romansa. Markahan ang 7, 16, 24, 33, 40 at 46. Lilac at purple ang buenas. Swerte ang initial na D. at N.
Libra – (September 23-October 23) — Sa lovelife, iwasang lumabag sa kabutihang asal, upang hindi mapahamak, tigilan na ang pakikipag-relasyon sa maling nilalang. Sa pinansiyal, kapag naging tapat sa iyong pamilya saka ka pa lang yayaman. Markahan ang 3, 12, 27, 33, 42 at 48. Red at pink ang buenas. Swerte ang initial na L. at A.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Lutasin na agad ang problema bago pa ito lumala. Wag ng hintaying lumaki ng lumaki ang tubo, sa mga utang — magbayad na agad. Sa lovelife, batiin na ang kasuyong matampuhin, upang uminit muli ang relasyon. Markahan ang 6, 17, 24, 31, 40 at 45. Maroon at beige ang buenas. Swerte ang initial na F. at P.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag katamaran ang kasalukuyang ginagawa, ituloy lang ang kasalukuyang hanapbuhay, darating ang araw kusa ka ring kikita ng mas malaking halaga. Sa lovelife, sipagan at dagdagan pang lalo ang pagte-text sa kasuyo. Markahan ang 6, 15, 23, 33, 40 at 48. Yellow at purple ang buenas. Suwerte ang initial na S. at M.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa pinansiyal, isang kaibigang Virgo ang mag-aabot ng malaking halaga. Tanggap lang ng tanggap. Sa lovelife, hingin ang ayuda ng minamahal, upang mas madaling malutas ang mga problema. Markahan ang 1, 19, 26, 33, 45 at 48. Green at gray ang buenas. Swerte ang initial na R. at N.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Kung hindi kakalimutan ang mga nagdaang kabiguan, paano makakapagsisimula ng bagong pagkakakitaan ngayon? Sa lovelife, kalimutan ang mga relasyong nagdulot ng pagluha, maghanap ng bagong kasuyo na matatagpuan mo sa isang nilalang na isinilang sa buwan ng Disyembre. Markahan ang 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Red at blue ang buenas. Swerte ang initial na L. at T.
Pisces – (February 19 – March 20) — Maglaan ng sapat na salapi para sa nalalapit na kapaskuhan. Sa lovelife, umiwas sa lipunan, ituon ang buo at walang hating pagmamahal sa iyong pamilya upang lalo ka pang suwertehin. Markahan ang 7, 13, 22, 36 40 at 47. White at yellow ang buenas. Suwerte ang initial na J at P.

Read more...