NAGPA-INTERVIEW na sina Marjorie Barretto at Atong Ang.
Ang hinihintay ng lahat ay ang panig naman ni Gretchen Barretto na idinadaan lang sa social media ang pangungutya sa kanyang kapatid.
Gretchen is in the US right now, kasama ang anak na si Dominique. Parang wala siyang panahon para magpa-interview. Kaya naman gustung-gusto siyang marinig ng madlang pipol. They wanted to hear her story.
Sa social media, panay ang udyok ng netizens na magpa-interview na si La Greta para makita na kung sino ang nagsasabi ng totoo.
“Dapat kay Greta humarap din sa camera di yung puro post at comments na lang sya. Napaka unfair kung may galit sya kay Marjorie dapat si Marj lang tirahin nya wag na si Julia Barretto kasi di maganda na sinira nya si Julia masyado pang bata para maranadan ang stressful na away nila.
“Dear Greta why don’t you let Julia out of the issue di man dahil sa Barretto na cya kya cya sumikat gaya mo nasisikap din si Julia na gumawa ng sarili nyang pangalan. If ako din ky Julia kakampihan ko ang mama ko pag nkikita kung nasasaktan na cya.
“Kahit ganun pa kalaki ang utang na loob nila sayo it doesn’t mean na kya mo ng gawin lahat sa kanila. Naranasan ko din yan nung bata pa ako kaya na feel ko kung anu nararamdaman ni Julia ngayun di ko idol c Julia kaso naawa lang ako sa bata.”
“Ung mga account mo may post post kapa ng picture ni Marj. Na nagkakandahirap hirap sa pag explain. Well at least si Marj nag effort mag explain eh ikaw Takas Queen! Sa tingin ko tuloy parang ikaw ang may sayad.”
Incidentally, nasa paradahan ng mga yacht si Greta sa US. Nakakaloka ang kanyang white sundress. Halos lumuwa na ang kanyang boobs, what with the dangerously very low neckline ng kanyang white dress.