outbrain

Vice Ganda umamin na sa relasyon nila ni Ion Perez: May katuwang na ako sa buhay

By Bandera October 27,2019
share this

Vice Ganda umamin na sa relasyon nila ni Ion Perez: May katuwang na ako sa buhay

By Bandera October 27,2019
share this

VICE GANDA AT ION PEREZ

SA wakas, inamin na rin ni Vice Ganda sa harap ng madlang pipol ang tunay na relasyon nila ni Ion Perez.

Nangyari ito kahapon pagkatapos ng performance ng kanyang grupo sa “Magpasikat” segment ng It’s Showtime, bilang bahagi pa rin ng 10th anniversary ng programa sa ABS-CBN.

Sa kanyang mensahe, may hugot ang Unkabogable Star tungkol sa pagiging mag-isa sa buhay, ito’y dahil wala nga siyang ka-tandem na host para sa kanyang “Magpasikat” performance.

Aniya, palagi niyang nababanggit na kaya niyang mag-isa pero sa totoo lang daw, hindi niya magagawa ang lahat ng ipinakita niya sa madlang pipol kung wala siyang kasama, “Mahirap sa buhay na maramdaman mong mag-isa ka at pinipilit mong kumbinsihin yung sarili mo na kaya mo mag-isa.

“In reality, sa totoong buhay, hindi po natin kayang mag-isa. Kailangan natin ng katulong. Maaaring pamilya o ang Panginoon, pero kailangan natin ng tulong. Hindi tayo puwedeng mag-isa.”

At dito na nga sinabi ng TV host-comedian na hindi na siya nag-iisa ngayon dahil may kasama na siya ngayong humaharap sa mga pagsubok ng buhay, “At itong puntong ito, ang sarap-sarap sa pakiramdam na naramdaman kong hindi ako nag-iisa. Kasi, for so many years, for so many times in the past, I felt I was all alone.

“At itong pangsampung taon ng Showtime, ang suwerte ko kasi hindi na ako nag-iisa. Meron na akong katuwang sa buhay,” lahad ni Vice na sinundan ng sigawan at palakpakan mula sa audience na nasa Resorts World Manila kung saan ginanap ang 10th anniversary special ng Showtime.

Bigla namang humirit ang co-host niya sa programa na si Anne Curtis ng, “Sino yun?!” Sagot ni Vice, “I’m so happy. Hindi ko makakalimutan itong tenth year ng Showtime. Kasi dito sa 10th year, nakatagpo ako talaga na sinabi ko, you don’t need to be loved by the whole world, you only need yourself and one person that you love to accept and love you back. And meron na ako noon.”

Singit naman ni Vhong Navarro, “Asan ba yun?” At saka itinuro ni Vice si Ion na nasa bandang likuran ng stage. Tinawag ng mga co-host ng show ang binata para tabihan si Vice na tila naluluha na. Hinalikan agad ni Ion si Vice sa pisngi.

Hiningan ng mensahe ang binata tungkol sa pag-amin ni Vice, “Wala, kasi yun nga ang lagi kong sinasabi ko sa kanya, siguro minahal ko sa kanya yung nakikita niyo sa kanya. Siguro bonus lang na naging Vice Ganda, pero yun talaga yung minahal ko – si Tutuy.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending