Derek ginagamit ng sindikato sa socmed; naniningil ng P150K para sa ‘stag party’

DEREK RAMSAY

Winarningan ni Derek Ramsay ang publiko sa isang scammer na gumagamit sa kanyang pangalan na nag-iimbita ng mga babae para sa isang “private stag party.”

Ipinost ng aktor ang screenshots ng Facebook post ng isang travel and lifestyle vlogger kung saan nag-iimbita ito sa isang stag party with Derek na may bayad na P150,000.

Nabatid na ginamit lang pala ng scammer ang pangalan ng vlogger at ni Derek para makapambiktima.

“Hey guys this crap has been going around for years and it still hasnt stopped!!! Pls know that i have nothing to do with this person texting these things. If you have any info about this person pls dm me.

Tnx guys,” post ni Derek.

Read more...