Team Sarah susugod sa I Can See Your Voice; Angeline, Wacky nagkapikunan?

SARAH GERONIMO, ARA MINA AT KIM MOLINA

SIGURADONG riot na naman ang episode tonight sa paborito n’yong tambayan tuwing Sabado night, ang la-ging trending at top rating na I Can See Your Voice.

Ngayong gabi sure na sure kaming nakatutok ang lahat ng Popsters sa ICSYV dahil makakasama ni Luis Manzano at ng buong tropa ang nag-iisang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo fresh from the success of her newest blockbuster hit movie “Unforgettable”.

Yes, muling masusubok ang galing ng award-winning singer-actress sa panghuhula ng mga tunay na see-nger sa mga contestants na magpapakitang-gilas tonight sa ICSYV.

At hindi lang si Sarah ang makakasama ni Luis at ng mga pasaway at panggulong Sing-vestigators sa super espesyal na episode na ito dahil may special appearance rin ang dalawa sa mga co-stars niya sa “Unforgettable” na sina Ara Mina at “Jowable” star Kim Molina.

Sa teaser pa lang ng episode tonight ng ICSYV, tawa na nang tawa sina Sarah, Ara at Kim sa mga punchlines at laglagan ng mga Sing-vestigators na sina Alex Gonzaga, Wacky Kiray at Angeline Quinto.

Siyempre, magpapatalbog ba sina Bayani Agbayani at Andrew E? May baon din silang mga pasabog na siguradong magpapahalakhak nang bonggang-bongga sa madlang pipol.

Pero totoo nga kaya ang tsismis na nagkapikunan daw sina Angeline at Wacky habang nagdidiskusyon kung see-nger o seen-tunado ang isa sa mga contestants? Napatayo pa raw talaga ang dalawa habang nagsasagutan on national TV.

At magtagumpay nga kaya ang Team Sarah sa pagpili ng mga tunay na see-nger o baka naman mabutata sila hanggang sa huling laban? Yan at marami pang nakaka-good vibes na eksena sa hindi matibag-tibag sa ratings game na I Can See Your Voice.

Napapanood pa rin ang ICSYV tuwing Sabado ng gabi after Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN.

Read more...