Actress-beauty queen tinanggalan ng matris

Inoperahan kamakailan ang isang aktres na dati ring beauty queen sa isang pribadong hospital para tanggalan ng matris.

Ayon sa aming source, may edad na rin ang aktres kaya okay lang na tanggalin na ang kanyang matris dahil wala na rin siyang balak mag-asawa bukod pa sa kuntento na siya sa mga anak niyang pawang titulado na.

Hindi lang nasabi sa amin ng source kung ano ang naging kumplikas-yon sa health condition ng aktres at kailangan nang tanggalin ang kanyang matris.

Mabait ang aktres at maayos katrabaho kaya lagi siyang may project at ang huling teleserye niya ay nitong 2018 lang. Lagi rin siyang may TV guestings.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay kasalukuyang nagpapagaling ang aktres. May gustong kumuha sa kanya para sa isang movie project pero hindi niya ito tinanggap dahil aabutin ng six months to one year bago siya makapagtrabaho uli.

Read more...