IN fairness naman daw to their forthcoming movie na “Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo”, cute naman daw ang pagkagawa nito lalo pa’t ang humawak ng film ay si Bb. Joyce Bernal.
Mabusisi raw kasi si direk Joyce kaya maganda palagi ang kinalalabasan ng mga movies na hinahawakan niya. “Except yata for something very, very light na napansin ko sa trailer nila.
Merong isang scene doon na parang hindi nag-synch sa bibig ni Kim Chiu. Baka nagkaproblema sila sa dubbing. Hope it doesn’t affect the film,” anang isang friend kong masyadong metikuloso.
Pero kumusta naman ang team-up nina Xian Lim and Kim Chiu? Bakit parang wala nang napag-uusapan sa kanila kungdi ang love angle. Isn’t there something more interesting about the two maliban sa kaechosan nila sa kanilang relasyon?
“Pareho silang mga masters ng denial kaya. Or baka totoo nga namang wala talaga silang relasyon dahil may nagsabi sa aking ayaw daw ni Kim kay Xian dahil malamya ito compared sa ex boyfriend niyang si Gerald Anderson.
Malambot daw ang personality ni Xian na may pagkabaklain. “Kungsabagay, from the very start naman talaga ay halatadong parang walang amor si Kim kay Xian, noticed mo?
Ginamit lang naman ni Xian si Kim, ‘no! Right after mag-break sina Kim and Gerald noon ay umeksena agad itong si Xian para mapalapit kay Kim. In fairness, nagamit nga niya si Kim.
Hayan, he got his slice of the cake – nagkapangalan siya. Marunong dumiskarte ang Xian na iyan. “Tsaka ang pinakaayoko sa lalaking iyan, walang balls at mahina ang loob.
Pag merong hindi gusto sa mga naisusulat sa kaniya, or pag meron siyang hindi magandang naririnig na kuwento about him, nagsusumbong kaagad sa mga executives. Sipsip daw iyan. Sumbungero,” anang isang reliable source natin.
Talaga? Kaya baka ayaw ni Kim sa kaniya ay dahil sumbungero nga siya, di kaya? Nakakabawas sa pagka-macho ng isang lalaki ang pagiging sumbungero, ‘no!
Ako nga, tumanda na lang ako nang ganito pero never akong nagsumbong dati sa nanay at tatay ko kapag may nakakaaway ako. Kasi nga, matapang ako. Ha-hahaha! Ano si Xian, ala tapang? Wawa naman. Eiwww!
Pero sabi naman ni Direk Joyce Bernal, hindi raw bading si Xian Lim. Talaga? O, di hindi. Period.
( Photo credit to Google )