Nilokong misis gustong balikan | Bandera

Nilokong misis gustong balikan

Beth Viaje |October 25,2019
facebook
share this

Nilokong misis gustong balikan

Beth Viaje - October 25, 2019 - 12:15 AM

MAGANDANG umaga sa inyong lahat. Ako ay isa sa taga basa ng inyong column sa Bandera.
Ask ko lang kayo ateng Beth kung mahal pa kaya ako ng asawa ko na nagawa kong lokohin at ngayon po nagsisisi na ako. Gusto ko na pong bumalik sa kanya at mga anak namin. Tanggapin pa kaya nila ako?
Nandito po ako ngayon sa Bicol sa aking kapatid nakikitira. Pagpayuhan ninyo po ako.
Maraming salamat po and more power.
Manny of Bicol
Good day sa iyo Manny of Bicol! A very warm thank you for being a dear reader of this column.
Gusto mong malaman kung mahal ka pa ng iyong asawa after ng ginawa mo sa kanila? E, bakit sa akin mo tatanungin?!Charot!
Nasubukan mo bang tanungin siya ng personal? I think that’s the most accurate way to know, Manny.
Kung mahal mo s’ya at ang inyong mga anak, ipakita at iparamdam mo sa kanila ito.
Ipakita mo rin na labis mong pinagsisisihan ang iyong nagawa and sincerely ask for forgiveness. I-assure mo ang iyong asawa na ang nagawa mo ay isang malaking pagkakamali na kailanman ay hindi na mauulit.
Palambutin mo ang kanyang puso and ask for another chance.
Kung hindi n’ya maibibigay ang pakikipagbalikan sa iyo ngayon, make sure na huwag kang tumigil sa pagsuporta sa mga bata bilang kanilang ama. Be there and be available.
Who knows baka lumambot din ang kanyang puso at mapatawad ka.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending