Aminado si Elisse Joson na sometimes ay naaapektuhan siya ng mga bashers niya sa social media. And when it happens, she takes a break from social media.
“Nagawa ko na po ‘yun before. Hindi naman po ako nagde-delete ng account pero I delete the app of my phone para lang ma-refresh ako at mawala ang stress,” say ni Elisse sa presscon ng “You Have Arrived”, a teen thriller which will start streaming on sa iWant. Kasama niya rito sina Barbie Imperial, Arielle Roces at Teejay Marquez.
“Kasi minsan, kahit hindi ka magbasa, nakakarating pa rin sa iyo somehow ang pamba-bash as people are tagging youn or napag-uusapan. Kapag ganoon, hindi mo rin maiiwasan na hindi pumasok sa utak mo.That’s the time that I take a break from social media,” dagdag pa niya.
“Para sa akin naman it’s healthier for me. Parang refresh button na ‘wag muna akong mag-social media.
It’s for my personal peace of mind,” paliwanag ni Elisse who plays a social media influencer in the original iWant movie.
Elisse is not sad na wala siyang lovelife now, “Nagpapasalamat ako kasi binibigyan ako ng sunud-sunod na trabaho. So ‘yung isip ko, ‘yung oras ko wala roon sa pain sa nangyari. Wala sa mga heartbreak, wala sa kailangang ma-in love, kailangan ng kasama. Wala akong naiisip na ganoon.”