2 parak dakip sa pangongotong

ARESTADO ang dalawang pulis nang mahuling nangongotong, sa entrapment operation sa isang bus terminal sa Pasay City, nitong Miyerkules.

Nadakip sina Cpl. Reynald Macwes at Cpl. Jimuel Ilagan, kapwa nakatalaga sa Police Community Precinct 7 ng Pasay City Police, sa terminal na nasa Malibay dakong alas-2, ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac.

Mga tauhan ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), Intelligence Group, at Regional Intelligence Division ng National Capital Region Police ang nagsagawa ng operasyon, aniya.

Bago ito’y nakatanggap ang IMEG ng impormasyon na sina Macwes at Ilagan ay nangongolekta ng P100 sa mga pampasaherong bus at van na bumibiyahe mula Malibay, habang sakay pa ng kanilang patrol car.

Read more...