HINA-HUNTING na umano ang isang still photographer na nagngangalang Patrick James Brotonel.
Ayon sa Facebook post ni direk Erik Matti, “Patrick James Brotonel is a still photographer/BTS guy for advertising and film who victimizes drunk girls who are weak and too intoxicated to defend themselves.”
Bago ang FB post ng direktor, may shoutout din siya na, “No one violates or sexually harasses any of our staff and employees in Reality (Entertainment). Patrick James Brotonel Tang_____ mo!!!”
Sa kanyang latest post, inilabas ng director ang litrato ng taong tinutukoy kasabay ng kanyang babala na, “WAG TULARAN.”
Wala na raw ang photographer na tinutukoy ni direk Erik sa tinitirhan nitong bahay kaya patuloy ang paghahanap ngayon sa kanya ng mga otoridad.
Bukas ang pahinang ito para sa panig ni Patrick James Brotonel.