Claudine: Oo, sinampal ko talaga si Marjorie, nagsabunutan kami!

CLAUDINE AT JULIA BARRETTO

BUMUWELTA ang Optimum Star na si Claudine Barretto sa mga pahayag ni Marjorie Barretto. Sa radio program ni Jobert Sucaldito na “Showbuzz” ay nagbigay ito ng kanyang reaction.

Tulad ng mga naisulat na namin tungkol sa naganap sa dalawang gabing magkasunod na iskandalo sa burol ng Barretto patriarch na si Miguel Barretto, muling ikinuwento ni Claudine ang dahilan kung bakit nagkaroon ng engkwentro si Gretchen and their niece na si Nicole. And on the second night kung saan sila naman ni Marjorie ang nagkasakitan.

“Ang nangyari nu’ng nag-okey na si Mommy (Inday Barretto) at si Gretchen, nagyakapan, lahat. Ang sumunod, ang sabi ni President (Rodrigo) Duterte, ‘Sino pa ba dito ang hindi mo kasundo? ‘Yung naka-brown?’ tanong niya kay Gretchen. Tinuro niya (PDigong) si Marjorie. Sabi naman ni Gretchen, ‘Opo,” simulang kwento ni Claudine.

Tinuro raw ni Gretchen si Marjorie, “Tapos sabi ni Presidente, ‘Halika na, ayusin ko na kayo.’ So, papalapit pa lang kami, may sinasabi na sila peron hindi ko maintindihan.

“Basta ang akala namin ‘mano.’ So, sabi ni Marjorie, ‘Ako? Ako Sir, magmamano? Kanino? Sa ‘yo? Or sa kanya?’ sabi ni Marjorie. ‘Sa inyo po magmamano ako. Pero sa kanya hindi po ako magmamano.

“Tapos sabi ko, ‘Marjorie, stop it.’ Tapos sabi niya, ‘Hindi ninyo po alam kung ano ang ginawa niyan sa akin at sa mga anak ko. Sinira niya ang buhay ng mga anak ko,’ ganyan. So, ako naman, kahit siguro sinong tao na nandoon, would stop her. Kasi that’s disres pecting the President,” sabi ni Clau.

Doon daw nasabi ni Claudine kay Marjorie ang salitang “unbelievable”, “Tapos sabi niya, ‘Ah, talaga, unbelievable? Nagbabait-baitan lang kayo, ganyan, ganyan. Nagwawala na siya. Tapos sabi ko sa kanya, ‘How dare you do this in front of the President.’”

“Sabi ko sa kanya, ‘Nakakahiya. Nagpunta dito ‘yung tao, nakiramay.’ Ayun. ‘Yun na ‘yung start ng gulo hanggang sa sumulpot na lang si Nicole,” aniya pa.

At nu’ng medyo tahimik na raw, biglang sumugod si Gretchen kay Nicole at doon hinila ‘yung buhok ng pamangkin.

Kung aanalisahin ang kwento nina Marjorie at Claudine, mas naging klaro sa isipan ng publiko na sana ‘di na nangyari ang kaguluhan kung nagpakatao at kinontrol na lang muna ni Marjorie ang galit niya kay Gretchen bilang respeto sa kanilang nakaburol na ama at kay Pangulong Duterte.

Imagine, ang Presidente na ng Pilipinas ang humiling na magkaayos na silang magkakapatid, umarya pa rin ang pride at emosyon ni Marjorie?

Nakita rin ng publiko ang side ni Gretchen kung bakit need niya na samahan siya ng Pangulo sa wake ng Dad niya dahil nga knows niya kung gaano katindi ang galit nina Marjorie sa kanya. But with all humility, pumunta pa rin siya sa burol para makita sa huling sandali ang kanyang ama.

But sad to say, kaplastikan para kay Marjorie ang nakita niya sa ginawang effort ni Gretchen. Naiba siguro ang pangyayari kung pinagbigyan na lang ni Marjorie ang pakiusap ni President Duterte na maagkaayos na sila ni Gretchen.

***

Sa interbyu rin ni Kuya Jobert kay Claudine, muling inulit ng aktres ang pagkumpirma na minura siya ni Julia Barretto habang nagrarambulan ang kanyang mga tiyahin. Ang nakakalungkot, sinabi ni Claudine na isa rin si Julia sa mga nanakit sa kanya habang inaaway ni Marjorie. At dahil sa dinuru-duro na parang binatukan na raw siya ni Marjorie, doon nag-react si Claudine at nasampal ang nanay ni Julia.

“Sinampal ko siya. Sinampal ko siya talaga. Nagsabunutan kami. Huwag ninyo akong gaganyan-ganyanin. I mean, initial reaction ko ‘yun, e. Hindi ko gutsong mambastos ng nakakatanda sa akin. But, huwag ninyo akong gaganunin lalo’t nandoon ang mga anak ko.

“Ayokong makita ng mga anak ko na okey lang na bastusin ka, at saktan ka ng ganyan. Tapos si Julia, ayun na. Alam mo masakit sa akin, parang alam mo ‘yung pakiramdam na ‘yung anak, ’yung saktan ka ng ganoon? Pinalaki mo? Sorry,” humihikbing sabi ni Claudine.

Isa rin daw si Julia sa nanakit sa kanya physically, “Kaya I don’t understand when she said na ‘my battle is not your battle. It’s your battle.’ You were the one who laid your hand on the person who you call Mama,” ani Claudine.

As much as possible, ayaw na raw magsalita ni Claudine about Julia, “Alam mo, ayaw ko na sanang ilabas ‘to. Tahimik na ako especially for Julia because, whatever people say, nagre-react ka kapag nasasaktan ka. Kaya lang nasaktan din niya ako, e. Para akong nanay na nagtatampo, nagagalit. Hay naku, I don’t wanna talk. Kaya lang si Marjorie, nagsalita.”

At sa huli, tungkol sa pangmomolestya diumano sa kanya ng partner ni Marjorie na si dating Caloocan Mayor Recom Echiverri, sasagutin daw niya ito sa tamang panahon.

Read more...