NAGSIMULA nang umere sa iWant ang travel docu series na Unlisted hosted by Robi Domingo and Sue Ramirez.
Base sa kuwento ng dalawan Kapamilya stars, napuntahan nila ang mga lugar na hindi gaanong alam ng publiko lalo na ‘yung mga matatagpuan sa Rizal (Tanay, Taytay, Baras at Pililia).
Napanood na ang ilang eksena sa paglilibot nila roon sa initial episode ng Unlisted. Napuntahan din nila ang Capiz, Roxas City, Basey, Samar at Escolta sa Manila.
Nabanggit ni Robi na kahit bagong salta ka sa mga nabanggit na lugar ay pakiramdam mo na tagaroon ka dahil mainit ang pagtanggap sa kanila ng mga residente roon.
“Generally, when you say Filipino culture, ang laging maaalala, ‘yung hospitality nila. Parang part ka na ng pamilya nila,” saad ng TV host.
At dahil first time maging travel show host si Sue ay inamin niyang unang beses din niyang sinubukan ang trekking, “First time kong umakyat ng bundok doon sa Masungi Georeserve (Baras, Rizal), at ang ganda! Sabi ko uulitin ko talaga ito.”
Unang beses namang napuntahan ni Robi ang Capiz, “Ang tagal-tagal ng may mga invitation ang Matanglawin, sa Lakwatsero before, but we don’t have the chance to go there, pero because of Unlisted (narating ko). Nagulat nga kami, I suggest na panoorin n’yo rin ‘yung episode ng Capiz.”
Binanggit din ng dalawa ang Samar na tila sinadyang gawin para sa mga pelikula at teleserye, “Grabe ang ganda ng Sohoton Cave, so, so beautiful. Ako first time kong pumunta roon,” saad ni Sue.
“Ako second time ko na, pero gandang-ganda pa rin ako, imposibleng hindi mo uulitin ang pagsasabi ng ‘wow!’” saad ni Robi.
Ilang pelikula na rin ang kinunan doon tulad ng “Kahit Ayaw Mo Na” (2018) starring Empress Schuck, Kristel Fulgar at Andrea Brillantes.
“Napanood ko sa premiere night, nakita ko on screen, pero ibang-iba talaga kapag nandoon ka na, parang nakakaiyak sa pakiramdam kasi ang galing ni Lord, ginawa niya ito lahat, amazing!” sabi ni Sue.
***
Samantala, nagulat kami sa pahayag ni Robi na marami siyang natutunan kay Sue off-cam bilang isang milenyal, “Iba na kasi ‘yung panahon ngayon, nakakakonek siya. Sue and I were like six years apart, and marami akong natutunan tungkol sa mga kabataan ngayon, their ideas, sobrang trending things ngayon so I get to be updated sa mga pangyayari.”
Kaya tinanong namin kung nasaan ang binata bakit hindi niya alam ang mga nangyayari sa paligid niya, “Iba na kasi ang mundo ngayon,” sambit niya.
Hindi ba siya ma-social media? “Hindi po ako ma-social media ng sobra-sobra, I get to look updates for informations pero iba pa rin when you get to talk to people, you get more ideas from them.”
Nagkatrabaho na sina Sue at Robi noon sa ASAP Chill Out kaya tinanong namin kung hindi ba napansin ng binata noon ang beauty ng aktres, “Wow! Salamat po sa tanong na ‘yan, actually unlisted ang tanong na ‘yan (sabay tawa). I have admired Sue as someone who could act, who could sing, who could perform on stage and I have admired her more in the show (Unlisted).
“I respect Sue, naka-two piece man o naka-gown because she is a very, very successful woman,” sagot ni Robin na ikinakilig naman ni Sue habang nakikinig.
Natanong naman ang dalawang host kung paano nakakatulong sa mental health ang madalas na pagta-travel. Ayon kay Sue, “I think sa araw-araw na pare-pareho ang ginagawa natin, it’s very refreshing for our soul and mind to see something else, so see something different, to get out the usual na araw-araw na nga nating ginagawa at nakikita.
“For me pag nagta-travel ako, hindi ako pumupunta sa mga tourist destinations, never pa ako nag-Palawan, nag-Boracay, I usually go to places na hindi puntahan talaga ng tao ‘coz that’s where I get to discover different culture.
“Kasi kapag pumunta ka sa mga known spots, makikita mo roon ang mga taga-Manila, so mas makikilala mo ang sarili mo kapag nakihalubilo ka sa mga taong hindi mo nakikita o nakakasama sa araw-araw,” katwiran ni Sue.
Sabi naman ni Robi, “Ako for experiences, I guess. Kasi when you keep doing something na, medyo napapagod ‘yung utak mo, so we’re offering places na hindi karaniwang pinupuntahan and you have more stories to share, when your mind is at ease maybe nale-lessen ‘yung work.”