Ayon kay Garbin, sa kasalukuyan ay walang kasiguruhan na hindi na nangyayari ang hazing ng mga kadete.
“Suspend new cadet recruitment for just one year, during which time the AFP (Armed Forces of the Philippines) must overhaul the PMA of its misguided notion that hazing is necessary to mold good defenders of the people and the Constitution,” ani Garbin, vice chairman ng House committee on justice.
Nadagdagan pa ng 27 ang mga kaso ng hazing sa PMA matapos lumutang ang mga kadete na nakaranas nito.
“Klarong-klaro, mas maliwanag pa sa sikat ng araw na may malaking mali at problema sa loob ng PMA na dapat itama agad ngayon. Huwag ipagpaliban. Gawin ngayon,” dagdag pa ni Garbin.
Sinabi niya na ilang beses ng may napaulat na insidente ng hazing sa PMA na patunay na kulang ang mga naging hakbang dati dahil nagpapatuloy ito.
Ang Judge Advocate General ng AFP ay maaari umanong manguna sa paglilinis sa PMA at maglagay ng angkop na pamamaraan upang matigil na ang hazing.
“Civilian oversight of this cleansing is necessary and this Congress can do on behalf of the parents, families, and friends of PMA cadets,” aniya pa.