“HINDI for sale ang mga anak ko!” Yan ang ipinagdiinan ni Marjorie Barretto tungkol sa hindi mamatay-matay na tsismis na inilalako niya umano ang mga anak sa mayayamang businessman.
Sa panayam ng TV Patrol, sinabi ni Marjorie na hindi siya ganu’ng klase ng ina kaya nasasaktan siya kapag nakakarinig o nakakabasa ng mga ganitong klase ng “fake news”.
“My children are not for sale. I don’t even have very much wealthy friends to sell my children to.
“My children work very, very hard. My youngest daughter is a good student in college in Ateneo. Matitino po ang mga anak ko,” pahayag ni Marjorie.
Lima ang kanyang anak mula sa tatlong lalaki. Ang panganay niyang anak na si Dani ay mula sa dating karelasyong si Kier Legaspi.
Sina Julia, Claudia at Leon naman ay mga anak niya sa ex-husband na si Dennis Padilla. Inamin din ni Marjorie sa kauna-unahang pagkakataon na ang tatay ng bunso niyang anak ay si former Caloocan City Mayor Recom Echiverri, na siyang partner niya ngayon. Hindi pa legally separated ang dating alkalde sa kanyang asawa.
Pagpapatuloy ni Marjorie, “I understand where this is coming from. Maybe they think the mother’s a mistress. And maybe they think she’s a mistress for money.
“But that’s not the truth, Karen. I’m not a mistress for money. Kaya libre-libre sila babuyin yung mga anak ko, ‘Oh, if the mom is like this, then all the daughters are like this.’ But no,” aniya pa.