FEELING wife talaga ng isang pamosong businessman ang isang kilalang female personality. Lahat ng lumalapit sa milyonaryong negosyante ay kailangang dumadaan sa kanya.
Ganu’n ang kanyang posisyon, walang puwedeng makipag-usap sa milyonaryong negosyante nang hindi muna dumadaan sa magandang female personality.
Kuwento ng isang source, “Nu’ng minsan, e, may binigyan ng room ang isang staff ng hotel na kaibigan ng girl. Hindi dumaan sa kanya ang negosyante, kaya nu’ng mag-post sa social media ang grupo, naalarma ang female personality!
“Nagalit siya, tinawagan niya agad ang isa sa magkakasama sa libreng hotel room, galit na galit siya, ang tanong niya sa friend niya, ‘Paano kayo nakakuha ng libreng room sa hotel? Sino ang nagbigay sa inyo?’
“Sinabi ng tinanong kung sino, lalong nagalit ang female personality, kailangang sa kanya raw muna dumadaan ang lahat ng transactions, hindi puwedeng sa iba!
“Ganu’n siya! Kailangang sa kanya lagi dumadaan ang mga bagay-bagay, ayaw niyang dumadaan sa iba ang transaksiyon, napaka-feeling wife talaga niya sa milyonaryong businessman!” unang sultada ng aming impormante.
Nagtataka rin ang marami kung paano niya nagagawa ang ganu’n, samantalang meron naman siyang karelasyon, ang milyonaryong businessman din na ama ng kanyang anak.
“Nakapagtataka lang dahil parang hindi pa naman sila hiwalay ng ka-live-in niya, di ba? Pero paano niya nagagawa ang ganu’n? Ang nakakaloka pa, e, magkakasama silang tatlo sa isang gathering! Kasama niya ang ka-live-in niya, pero nandu’n din ang lalaking karelasyon niya!
“Ano na ba talaga ang nagaganap sa mundo ngayon? Puwede na pala ang ganu’n na tatlo sila, pero nagkakaalaman? Tatlo magkasalo, ganu’n ang drama nila, nakakalokang sitwasyon!
“At ang girl, ha? Parang proud na proud pa siya sa mga pinaggagagawa niya! Nakakaloka siya, sino kaya ang talagang love niya?
“At bakit naman pumapayag ang ka-live-in niya sa mga pinaggagagawa niya? Malulukring talaga tayo sa mga kalokahan ng babaeng ‘yun!” pagtatapos ng aming source.
Lukring na rin ba kayo ngayon, Bradly Guevarra, Jon at Ching Bautista Silverio, ano sa palagay n’yo?