Para sa may kaarawan ngayon: Isang sopresang ang darating, malaking halaga ng salapi ang matatanggap. Kapag maraming pera kailangang matututong magtipid upang hindi na uli kapusin. Sa lovelife tuloy ang agos ng ligaya habang kadikit ang kasuyong Libra. Markahan ang 4, 13, 22, 32, 42, at 45. Red at blue ang buenas. Swerte sa initial na H. at M.
Aries – (Marso 21-April 19)— ‘Wag regaluhan ng mamahaling bagay ang kasuyo, ang mas mahalaga yong kayong dalawa lang ang lagging magkatabi at magkapiling. Sa pinansyal, maraming positibong oportunindad ng pagkakaperahan ang mabubuksan. Markahan ang 2, 11, 25, 29, 33, at 34. Green at violet ang buenas. Swerte ang initial na P. at C.
Taurus – (April 20-May 20)—Ito ang araw na kinasyahan ka ng langit, silang mga naiingit sa iyo ang mapapahamak, habang patuloy kang pagpapalain ng Maykapal. Sa lovelife, lalong iinit ang pakikipag-relasyon sa kasuyong Virgo. Markahan ang 7, 14, 23, 28, 39 at 47. Red at violet ang buenas. Swerte ang initial na G. at Y.
Gemini – (May 21-June 21)— ‘Wag nang magplano ng kung ano-anong bagay. Mas magiging exciting ang relasyon sa biglaan at hindi pinaghandaang romansa. Sa pinansyal, bigla ang dating ng pera, pero bigla ding mauubos – magtipid! Markahan ang 5, 14, 23, 33, 42 at 48. Magenta at white ang buenas. Swerte ang initial na L. at P.
Cancer – (June 22- July 22)—Hindi masamang sumunod sa mungkahi ng iba, kung ito ang ikapapanatag ng iyong kalooban. Sa tulong ng isang dating kakilala, kikita mas malaking halaga. Sa pag-ibig sundin kasuyo upang mapanatag na ang inyong relasyon. Markahan ang 1, 10, 22, 28, 38, at 42. Beige at lilac ang buenas. Swerte ang initial na J. at A.
Leo – (July 23 – August 22)— Hindi dapat makipagkumpetensya sa mga kapit-bahay. Hindi nakakatulong ang pagmamayabang upang umunlad. Sabihin sa kasuyo, “Wag kang mainggit sa mga kapit-bahay, magkakaron din tayo nyan!” Markahan ang 4, 13, 21, 33, 42 at 48. Yellow at blue ang buenas. Swerte ang initial na F. at L.
Virgo – (August 23 – September 22)— Konsentrasyon ang susi para magtagumpay. Hindi dapat pagsabaysabayin ang mga negosyong naiisip, mag-concentrate sa produktong pagkain. Sa pag-ibig, isa-isa lang dapat ang ka-relasyon upang magpatuloy ang ligaya. Markahan ang 5, 14, 23, 32, 39 at 49.. Silver at green ang buenas. Swerte ang initial na D. at B.
Libra – (September 23-October 23)—Mahirap talagang maperfect ang isang relasyon, wala naman kasing perpektong tao. Kaya makuntento na lang sa kasalukuyang kasuyo. Sa pinansyal tuloy ang pag-angat ng kita habang lumalapit ang kapaskuhan. Markahan ang 6, 18, 29, 30, 39, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kaleneha-Mahata-Nastah.” Blue at beige ang buenas. Suwerte ang initial na O. at L.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Ipayapa ang isipan kahit na maraming problema. Malulusutan mo ring lahat ng iyan. Sa pinansyal, mag-concentrate sa mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, itutok ang atensyon sa isang Gemini. Markahan ang 6, 9, 21, 29, 33 at 45. Red at lilac ang buenas. Swerte ang initial na R. at D.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Ang pagiging matapat ang magbibigay ng pag-unlad. Laging maging tapat sa kausap. Sa pag-ibig, tigilan na ang panlilinlang sa kasuyong mabait baka sa bandang huli ikaw naman ang ma-isahan niya. Markahan ang 3, 18, 21, 28, 33, at 45. Pink at yellow ang buenas. Swerte ang initial na U. at M.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Wag kimkimin ang lungkot na nadarama. Maghanap ng mapagkakatiwalaang kakuwentuhan. Sa pinansyal, ang negatibong damdamin ay magdudulot ng pagkalugi. Sa pag-ibig, panahon na upang ibahagi sa minamahal ang mabibigat na problema. Markahan ang 4, 10, 19, 28, 35, at 48. Orange at lilac ang buenas. Swerte ang initial na V. at R.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Masusolusyunan ang probema kung hindi na uulitin ang dating mga pagkakamali. Sa pinansyal, maging maingat sa pagpili ng kososyo. Sa pag-ibig, ituon na lamang ang pansin sa kasuyong Virgo. Markahan ang 7, 16, 22, 31, 39, at 49. White at pink ang buenas. Swerte ang initial na B. at K.
Pisces – (February 19 – March 20)— Wag isiping mahihirapan kang makahanap ng puhunan sa negosyong noon mo pa binabalak. Sa panahon ding ito kusang may mag-aalok upang masimulan mo na ang nasabing negosyo. Tanggap lang ng tanggap at laging magpasalamat kay Lord. Markahan ang 1, 7, 19, 28, 39, at 47. Green at yellow ang buenas. Swerte ang initial na P. at M.