Battle rapper tinumba | Bandera

Battle rapper tinumba

John Roson |October 21,2019
facebook
share this

Battle rapper tinumba

John Roson - October 21, 2019 - 03:32 PM

PATAY ang isang battle rapper nang barilin ng di pa kilalang salarin sa Imus City, Cavite, Linggo ng hapon.

Ikinasawi ni John Ross delos Santos, kilala bilang “LilJohn” sa FlipTop rap battle league, ang tama ng bala sa ulo, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-5:30, sa main roadng Legian 2B Subdivision sa Brgy. Carsadang Bago 1.

Nakaupo si Delos Santos at kanyang nobya sa kanyang motorsiklo nang lapitan at paputukan ng kalibre-.45 pistola ng di kilalang lalaki ang rapper, ayon sa ulat.

Hinihintay lang noon nina Delos Santos ang inorder na pagkain sa katapat na tindahan, ayon sa pulisya.

Si Delos Santos, residente ng Parañaque City, ay dinala pa sa Ospital Ng Imus para malunasan pero di na umabot nang buhay.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng salarin, habang isinusulat ang istoryang ito.

Ang FlipTop Battle League ang una at pinakamalaking liga ng professional rap battle sa bansa.

Karaniwan sa mga rap battle ang pagyayabangan at pag-aasaran ng mga kalahok, sa pamamagitan ng mga lirikong doon lang mismo nila naiisip sa entablado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending