DALAWANG problema sa lungsod ng Muntinlupa ang tampok natin ngayon.
Una ang matinding traffic sa South Luzon Expressway (SLEx) nang simulan ang Skyway Extension project papasok sa Alabang Viaduct. Kadalasan, umaabot hanggang Santa Rosa Laguna ang traffic na ang public clamor ay bawasan daw ang bi-nabayarang toll fee ng mga motorista.
Nakausap ko si Mr. Manny Bonoan, pangulo ng SOMCO-SKYWAY, tungkol dito at i-pinaliwanag niyang ibabalik na sa motorista sa November 30 ang isinara nilang lane kung saan binutas ang kalsada para sa mga poste ng itatayong Skyway Extension.
Ang problema kasi ngayon, gumagapang talaga ang traffic sa SLEx mula Susana Heights, Alabang viaduct hanggang papasok ng Skyway ramp sa Alabang. Para permanenteng masolusyunan ito, minabuti ng SOMCO-SKYWAY na magtayo ng magkabilang Skyway extension sa Susana Heights, para lutasin ang araw-araw na traffic sa Viaduct.
Kung matatapos sa December 2020, ang motoristang manggagaling ng Batangas City na gagamit ng Skyway ay hindi na mata-traffic sa Alabang, makakapasok na sa Susana Heights ramp at makakaderetso sa Skyway stage 3 (dadaan sa Plaza Dilao, Araneta Ave, Quezon ave) patungong NLEX, at tuluy-tuloy na sa TPLEX hanggang Rosario, La Union.
Gayundin naman ang pabalik na byahe . Isipin niyo kung bukas na ang TR4 expressway mula Sto Tomas, Batangas hanggang Lucena city, magiging mas mabilis ang biyahe Luzon hanggang Bicol.
Sa totoo lang, tiis lang tayo sa traffic nga-yon dahil sa dakong huli lahat ay makikinabang!
***
Ibang klaseng kamay na bakal ang nagaganap din sa Muntinlupa sa loob ng New Bilibid Prisons. Sa liderato ni Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag at ng binuong “Quad-Intel force” ng NCRPO, PDEA-NCR,NBI-NCR at ng AFP Joint Task force-NCR, seryoso nitong tinatapos ang corruption at ang illegal ope-rations ng mga drug lords sa loob.
Unang-una, giniba ang lahat ng mga kubol at squatter shanties sa loob ng maximum security compound tulong ng mga bulldozer ng DPWH, dalawang APC, mga trak ng bumbero at 1,800 na pulis at SWAT.
Mapayapa at walang umalma sa mahigit 18,000 preso na ngayo’y babalik nang lahat sa kanilang mga dormitoryo nang pare-parehas at walang special treatment.
Ikalawa, pinalakas din ang intelligence gathering sa loob ng Bilibid at upang mapigil illegal drug trade, isang liaison office ang permanenteng inilagay doon para bantayan ang mga drug lords.
Ikatlo, tinanggal din ang mahigit 300 jail guards at inilipat sa mga “penal colonies” para mawala na ang koneks-yon nila sa mga drug lords at mga mayayamang preso.
Kausap ko si Major Alberto Tapiru, spokesman, at nagpasalamat siya sa suporta ng magkakasanib na pwersa ng gobyerno sa paglilinis ng New Bilibid Prisons. Partikular niyang pinasalamatan si dating NCRPO Chief at ngayo’y Chief, PNP Directorial office Lt. Gen. Guillermo Eleazar na todo suporta kay Director General Bantag.
Nakikiusap din sila sa bagong liderato ng NCRPO na panatilihin ang pagtatlaaga ng mga mula 500 hanggang 1,000 bagong pulis sa Bilibid upang suportahan ang BuCor management. Sa totoo lang, 400 lamang ang empleyado ng Bucor na nagbabantay sa mahigit 18,000 na preso. Tama lang ituloy, dahil dapat mawasak dito sa Bilibid ang “nerve center” ng droga sa Metro Manila.