Sanya Lopez naghahanda na para sa Bb. Pilipinas?

SANYA LOPEZ

Naghahanda na nga ba si Sanya Lopez sa pagsali sa Binibining Pilipinas pageant? Ito ang tanong ng kanyang mga fans matapos mapanood ang “rampa” video niya sa Instagram.

Makikita sa nasabing IG video ni Sanya ang kanyang pagrampa ala-beauty queen. Nilagyan niya ito ng caption na, “Wait ka lang, malapit na.”

At dahil dito, marami ang nagtanong kay Sanya kung sasali na siya sa susunod na laban ng Binibining Pilipinas. Anila, pwedeng-pwede siyang maging beauty queen dahil bukod sa kanyang ganda at kasekshan, intelligent pa.

Read more...