Maine tagumpay sa pagiging Lagare Queen; pinagsabay ang pag-iyak at pagpapatawa

MAINE MENDOZA

MAKAKAHINGA na nang maluwag ngayon si Maine Mendoza. Tapos na kasi ang shooting ng movie nila ni Vic Sotto na “Mission: Unstapabol: The Don Identity” na isa sa mga official entry sa 2019 Metro Manila Film Festival.

“It’s a wraaaaaaap!” bahagi ng mensahe ni Meng sa Twitter.

Sa ilang taong pamamalagi sa showbiz, ngayong lang naranasan ni Maine na magkalagare sa dalawang pelikula, huh! For sure no regrets naman diyan ang Dubsmash Queen.

Lalo na ngayon na ang gaganda ng natatanggap niyang comments para sa akting niya sa pelikula nila ni Carlo Aquino na “Isa Pa With Feelings”.

So, matapos magpaiyak, muli namang sasabak sa comedy at aksiyon ang Phenomenal Star kasama si Bossing Vic. ‘Yun nga lang, mabibigat pa rin ang makakalaban nila sa taunang festival dahil nandiyan pa rin ang mga entry nina Vice Ganda at Anne Curtis at ang pelikula ni Coco Martin kasama sina Ai Ai delas Alas at Jennylyn Mercado.

Read more...