Mommy Inday nag-collapse nang mag-away ang mga anak sa burol ng asawa: Maawa naman kayo!!!

By Julie Bonifacio October 20,2019
share this

Mommy Inday nag-collapse nang mag-away ang mga anak sa burol ng asawa: Maawa naman kayo!!!

By Julie Bonifacio October 20,2019
share this

INDAY, CLAUDINE AT JULIA BARRETTO

UNANG gabi pa lang sa wake ng ama nina Claudine, Marjorie at Gretchen Barretto na si Miguel “Mike” Barretto ay may eksena agad na nangyari.

That time, kinausap na ni Claudine si Marjorie, and we guess the rest of the family, na hayaang makadalaw si Gretchen sa burol ng daddy nila. Pero doon pa lang, sobrang tutol na sila lalo na raw si Marjorie na pumunta si Gretchen sa wake.

Sa kabila nito, tumuloy pa rin sa pagdalaw si Gretchen. Happy na sana ang simulang eksena dahil agad na nagyakapan ang mag-inang Gretchen at Mommy Inday na alam naman ng buong Pilipinas na grabe rin ang awayan noon.

And so, ‘yun na nga, after magyakapan ang mag-ina sa harap mismo ni President Rodrigo Duterte na dumalaw din sa lamay, lumapit daw ang pamangkin nina Claudine at Gretchen na si Nicole (anak ng kapatid nilang si JayJay) at tinangkang saktan si Greta, pero naharang daw ‘yun ng aktres saka sinabunutan ang pamangkin.

Ayon sa aming source, malalim daw ang galit ni Nicole sa kanyang tiyahin pero very complicated kapag ikinuwento.

Nu’ng sumunod na gabi naman, habang ka-text ang aming source at 9 p.m., sinabi niya na aalis na si Claudine sa wake dahil nagkagulo na naman. Kinuyog daw ng pamilya nina Marjorie si Claudine.

Kitang-kita raw ng mga nasa burol kabilang na ang mga kaibigan ni Claudine nu’ng pagtulungan ang
aktres.

Tapos bigla naman daw nag-collapse si Mommy Inday kakasigaw kina Marjorie, “Stop na! Mag-isa lang ‘yang si Claudine. Maawa naman kayo!” Pero hindi pa rin daw nagpatinag ang kampo ni Marjorie.

At totoo nga kaya ang sinabi ng aming source na dalawang beses umamong sinabihan ni Julia Barretto si Claudine ng “Fu***k you!” Sabi pa ng aming source, kung ang nanay nga raw nila ay nagawang patawarin si Gretchen, bakit hindi ito magawa ni Marjorie at ng iba pa niyang kapatid lalo na raw ‘yung Nicole na nagpasimula raw ng gulo.

Pero ano nga ba ang dahilan ng pag-aaway nina Claudine at Marjorie sa lamay? Ayon sa aming source, nagalit daw kasi si Marjorie dahil nagbigay ng statement si Gretchen sa media. Kundi raw dahil kay Claudine hindi sana pumunta si Gretchen and even the President.

Pero bakit daw si Claudine ang dinuru-duro at sinisisi ni Marjorie, tanong ng aming source? At dahil tinutulak at dinuduro-duro na si Claudine kaya nagdilim na ang paningin nito kaya niya nasampal ang kanyang ate. Pagkatapos noon, kinuyog na si Claudine kaya napilitan din siyang umalis.

Hindi nga raw dapat aalis si Claudine dahil ang plano niya ay mag-stay hanggang sa huling gabi ng wake ng daddy niya. Hindi nga ba’t si Claudine ang nakatutok at nagbantay sa Daddy Mike niya sa ospital with Mommy Inday?

Pati raw ‘yung assistant ni Claudine, bugbog ang likod at warak ang bag dahil siya ang humarang para hindi masaktan ang aktres. Nagpa-medico legal na raw ang assistant ni Claudine.

Pag-alis ni Claudine sa wake at pagdating sa ospital, panay daw ang tawag ni Mommy Inday sa anak to know her condition. Sobrang naawa raw ito kay Claudine. Nagpa-series of tests daw si Claudine and suffered minor injuries.

Iyak daw nang iyak si Claudine sa ospital. Say daw ni Claudine, nu’ng kay Rico Yan daw ay pinagbawalan na siyang pumunta sa burol pati ba naman daw sa daddy niya ay haharangin din siya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending