“Fake news!” Yan ang sigaw ng stand-up comedian na si Ate Gay sa kumakalat na balitang siya raw ang nag-quit sa Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions ng It’s Showtime.
Ayon sa Facebook page na The Scourge of Bobomilyas, mismong si Ate Gay daw ang nag-backout bilang contestant sa TNT dahil ayaw niya raw maranasan ang nangyari kay Ethel Booba na naghintay ng taon bago makubra ang talent fee niya sa ABS-CBN.
“Ayon sa batikang komedyante at ang real MASHUP QUEEN Ate Gay, hindi nya pinatulan ang offer sa kanya ng Showtime dahil ayaw nya na maghintay ng taon bago makuha ang talent fee na kadalasang nangyayare sa Abs-Cbn. Naging lesson umano ang nangyare sa kanyang friend na si Ethel Booba.
“ATE GAY: ang hirap naman kasi nung mukha kang tanga kakahintay ng talent fee kung babayaran ka ba or hindi.. hahahaha parang di ko keri besh. Ano yun, kung di mo pa idadaan sa social media di sila kikilos para bayaran ka?? Akala ko ba ang claim nila kesyo rich ang Abs? eh bakit baon sa jutang, kaya super mega delay ang pag give ng TF? nakakaloka day!!!” ayon sa post ng The Scourge of Bobomilyas.
Ni-repost ni Ate Gay (Gil Morales sa tunay na buhay) ang nasabing FB page na may caption na, “Wala po itong katotohanan.. salamat po!”
Nauna nang inihayag ng komedyante na nagulat na lang siya nang sabihan siya na hindi na matutuloy ang paglaban niya sa TNT. Wala rin daw ibinigay na dahilan kung bakit siya natanggal.