Janine nabiktima rin ng sexual harassment: Sinigawan ko siya!

JANINE GUTIERREZ

Women empowerment ang isa sa ipinaglalaban ng bagong pelikula ni Janine Gutierrez, ang action-drama-suspense na “Babae at Baril” na entry sa QCinema Film Festival 2019 kung saan gumaganap siyang saleslady.

“Iba ito sa mga nagawa ko na. Even for me, super challenging siya dahil wala pang nagawang gan’to.

‘Yung character ko, meron siyang malaking shift na pagdaraanan na to the point na parang dalawa ‘yung character niya,” kuwento ng Kapuso actress.

“Ang pinakamalaking message nito is hindi mo kayang magtiis. You should have to settle lalo na kasi rito sa atin sa Pilipinas. Minsan bilang babae, pinalaki tayo na mahinhin, dapat tahimik, sumusunod,” aniya.

“I think it’s very important to know na bilang babae, may kapangyarihan ka to say no, to ask for more, to realize that you deserve more, at hindi mo kailangang magtiis kasi babae ka,” paliwanag pa ni Janine.

Naikuwento rin niya na minsan na rin siyang nakaranas ng harassment, “Meron kasing coffee shop sa labas ng condo ko na ‘pag tinatamad ako magluto, bumibili ako ng pagkain doon.

“Palagi pa naman akong naka-shorts. Talagang tamad ako magbihis, shorts at t-shirt lang talaga ako ‘tsaka tsinelas on a normal day.

“So bumili ako ng pagkain, tapos naglalakad ako pabalik sa condo tapos may kotse na nag-slow down tapos ni-roll down niya ‘yung window tapos sabi n’ya, ‘Miss, sakay ka dito.’ Sobrang sinigawan ko siya.

“Siguro nakilala niya ako pero wala talaga akong pakialam. What more to someone who has to walk every day, what more to someone who has to commute every day, who has to ride the jeep every day?” chika pa ng dalaga.

Mensahe niya sa mga kapwa-babae, “Kaya nating lumaban. Hindi dapat binabalewala ang ating kakayahan and I hope maka-leave din ng impression ang ‘Babae at Baril’ sa mga manonood na kaya at dapat lumaban.”

Read more...