BUMABA ang bilang ng mga mahihirap sa bansa batay sa ulat ng World Bank.
Sa susunod na taon ay inaasahan na nasa 19.8 porsyento ang poverty rate at 18.7 porsyento sa 2021.
Ayon sa Macro Poverty Outlook for East Asia and the Pacific report ng WB, kinilala ang paglikha ng maayos na trabaho at investment sa human capital upang gumanda ang ekonomiya at mabawasan ang kahirapan.
“The positive outlook of World Bank can be attributed to President Duterte’s desire to provide a safe and comfortable life for all Filipinos. This is a goal that we share, and through our active partnership and he combined sustained efforts of the Executive and the Legislative Department we expect a further decline of poverty incidence in the country,” ani House Speaker Alan Peter Cayetano.
Sinabi ni Cayetano na mahalaga na magamit ng tama ang pondo ng gobyerno upang matulungan nito ang mga mahihirap.
“In the House of Representatives, we have prioritized the passage of key economic reform and tax measures to ensure that the pro-poor laws aimed at promoting healthcare and human capital will be fully implemented,” dagdag pa ni Cayetano.
Ayon kay Cayetano wala itong nakikitang dahilan upang hindi maipasa sa oras ang 2020 budget na kailangan umano sa pagbawas sa kahirapan.
“The national budget is a an effective tool to boost inclusive development, accelerate infrastructure and promote equitable access of basis services.”