HELLO, Ateng Beth.
Magandang araw po sa inyo. Nais ko po sanang isangguni sa inyo ang problema ko.
Gusto ko sana mabuo ang relasyo naming mga magkakapatid, ulilang lubos na kami. Pero nasa hustong mga edad naman kaming lahat.
May mga asawa na ang aking mga kapatid, tanging ako na lang ang single. Anim kami. Yung bunso na sumunod sa akin ay may asawa na rin pero hiwalay siya.
Ayaw kaming pakinggan nitong bunso naming kapatid kahit anong pakiusap namin. Pabago-bago kasi siya ng kanyang boyfriend mula nang maghiwalay sila ng kanyang asawa.
Nahuli kasi siya ng kanyang mister na may ibang lalaki.
Natatakot po ako sa dalawa kong pamangkin na mga dalagita baka kasi galawin ng kung sinong lalaki niya na iaakyat niya sa kanilang bahay.
Tulungan po ninyo ako.
Salamat po
Riva
Hello Riva!
Salamat sa iyong liham. Mabigat nga ang problema mo at ng iyong mga kapatid.
Ilang taon na ba ang kapatid mo? Masasabi ba natin na hindi s’ya responsible enough to take care of her own self and children?
Kung ganito yung kaso na nakikita ninyong magkakapatid sa kanya, then you can express to her your concern.
Iparamdam mo sa kanya na handa kang tumulong kung kinakailangan at ipakita sa kanya na mahal mo siya.
Be available din sa mga pamangkin mo lalo’t mga dalagita nga sila, at ikaw na rin ang nagsabi na wala ka pa namang asawa.
Kausapin mo na sila at i-pep talk tungkol sa naayong asal kapag may ibang lalaki na hindi nila kilala at sabihan na huwag maghiwalay kung maari. Maging bantayan ang isa’t-isa.
Bottomline, kailangan mong paalalahanan ang iyong kapatid tungkol sa kaligtasan ng kanyang mga anak, at iyon ang dapat niyang pagtuunan ng pansin higit sa lahat.