GSIS wala nga bang awa sa senior citizen?

GOOD morning po!
Ako po si Johaney I. Duquiatan. Ask ko lang po, galing po kasi kami sa GSIS last July 25, 2019.
Bale nag-report po tatay ko kasi hindi siya nakapunta noong birth month niya noong Hunyo, kaya po noong Huly ay hindi na niya nakuha ang pension niya or wala lang dumating.
Galing po kami doon at nagreport nga ang tatay ko na si Napoleon Inaanuran at ang sabi po sa amin after two weeks matatanggap na niya yung July pension na hindi nya natanggap. Pero, as of now hindi pa rin niya natatanggap ang pension niya mula noong Hulyo.
Tumawag po kami sa GSIS call center ang sabi balik daw kami sa GSIS near us (as if lakad lang e ang hirap ng senior citizen.
Ang tanong ko po bakit ganon? Pano kung sobrang hina na ng pensioner tapos need or required pang pumunta sa GSIS office?
Napakalaking abala po bukod pa sa magagastusan at mapapagod pa mga parents ko pagpunta! Bakit ganito ang system natin?

REPLY: Maraming salamat po sa patuloy na pagtangkilik sa aming pahayagan.

Agad po namin na ipararating sa GSIS ang ingong katanungan upang mabigyan ng kasagutan.
Maraming salamat po.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.

Read more...